Anji Salvacion sinuwerte mula nang tanghaling ‘PBB’ big winner; pero hindi na nakakauwi ng Siargao

Anji Salvacion

NAPANOOD namin ang audition ni Anji Salvacion sa “Idol Philippines” noong 16 years old siya na ang mga judge pa ay sina Vice Ganda, Moira dela Torre, James Reid at Regine Velasquez.

Lumuwas pa galing Siargao si Anji para sa audition at gandang-ganda ang apat na hurado sa kanya lalo’t telegenic siya at matangkad pa.

Kaya raw siya sumali ay para magkaroon ng way of communication kapag napanood siya ng kanyang Russian father na matagal na nilang hindi nakikita dahil nawawala raw ito (at hindi naman sila inabandona).

Dito na umiyak ang dalagita noon kaya nag-group hug sila nina Vice, Moira, Regine at James.

Natalo si Anji ni Zephanie Dimaranan bilang unang grand winner ng “Idol Philippines” na ngayon ay nasa GMA 7 na.


Hindi nawalan ng pag-asa si Anji dahil sumali siya sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” ngayong taon at siya ang itinanghal na big winner.

Three hundred sixty degrees ang ikot sa buhay ni Anji dahil kaliwa’t kanan na ang kanyang guestings shows, recordings at workshops ay hindi na siya nakakauwi sa kanilang probinsya.

At ngayon ay may bago siyang show, ang “Bida Star Versus” na mapapanood na ngayong Lunes Setyembre 5, with her-hosts na sina Benedix Ramos at Karina Bautista na mapapanood sa Facebook page at Kumu account ng ABS-CBN Star Hunt.

Ayon kay Anji ang mga napili sa auditions ay kailangang magpakitang-gilas sa kanilang mga talent.

“There’s an ABS-CBN management contract, P50,000, a Star Magic workshop scholarship, and guestings on the highest viewed shows on ABS-CBN and a chance to have a project with PIE channel,” aniya tungkol sa premyong naghihintay sa mananalo.

Naibahagi rin ni Anji na noong nagsimula siya sa Kumu ay sobrang baba ng number of viewers niya.

“I started din at Kumu. I remember yung viewers ko hindi na tataas sa 10. Nasa 10 lang talaga yung viewers ko when I remember.

“Now kasi ang dami mong puwedeng gawin to make your dreams possible because we are already given this platform.

“We have all the digital platforms like kumu and YouTube that are there and we could maximize. I think this is the chance din for our hopeful dreamers, for our Star mates na to use this chance na to make their dream happen,” aniya pa.

Kaya sobrang ini-encourage ni Anji ang lahat na huwag bibitaw sa kanilang mga pangarap kapag hindi kaagad natanggap dahil siya mismo ay hindi bumitaw at hindi naman siya nabigo dahil nakuha niya ang titulo bilang big winner ng “PBB Kumunity Season 10.”

* * *

Walang humpay na kilig at saya ang hatid ng iWantTFC sa mga bago nitong palabas na pinagbibidahan ng iba’t ibang young stars, kabilang na rito sina Markus Paterson, Jayda Avanzado, at Aljon Mendoza para sa inaabangang seryeng “Teen Clash.”

Iikot ang kwento ng “Teen Clash” kina Jude (Markus), Zoe (Jayda), at Ice (Aljon), mga musikerong mahuhulog ang loob sa isa’t isa, na mapapanood na ngayong Disyembre. Tatalakayin ng serye ang iba’t ibang mga aral tungkol sa pag-ibig at mga pagsubok ng buhay nang lumipat si Zoe ng paaralan dahil sa isang eskandalo.

Makikilala na rin ngayong Setyembre ang teen barkada ng bagong henerasyon sa “Tara G!,” tampok sina Daniela Stanner, Anthony Jennings, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, JC Alcantara, Zach Castañeda, at CJ Salonga, at ang mga pagsubok na haharapin nila upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Matinding sayawan at kantahan naman ang hatid nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri, Darren Espanto, AC Bonifacio, Jeremy G, Angela Ken, Sheena Belarmino, at Awra Briguela sa “Lyric and Beat,” ang unang original musical series ng iWantTFC na nasa huling tatlong episode na lang.

Pwede naman balik-balikan ang seasons one and two ng kinakikiligang seryeng “He’s Into Her” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at paiinitin naman nina Kyle Echarri, Chie Filomeno, Raven Rigor, Sean Tristan, Kira Balinger, Brent Manalo, Lance Carr, at Angelica Lao ang “ber” months sa seryeng “Beach Bros.”

Siksik din sa kilig at good vibes ang “Bola Bola,” kung saan titibok ang mga puso nina Akira Morishita, Ashton Salvador, at KD Estrada para kay Francine Diaz. Napapanood din ang feel-good serye na “Run to Me,” ang unang pagtatambal ng up-and-coming loveteam nina Alexa Ilacad at KD.

Panoorin ang mga ito nang libre sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

https://bandera.inquirer.net/311337/wish-ni-pbb-10-top-2-anji-salvacion-sana-makasama-ko-silang-kumanta-sa-concert-ko-para-mas-maging-special
https://bandera.inquirer.net/303406/alexa-ilacad-sinagot-ang-tanong-tungkol-kay-anji-salvacion-bakit-naman-kami-hindi-magiging-okay

https://bandera.inquirer.net/315186/anji-salvacion-ibabahagi-ang-napanalunang-pera-para-sa-gamot-ng-kapatid-magpapatayo-na-rin-ng-sariling-bahay
https://bandera.inquirer.net/312051/anji-salvacion-pinayuhan-nina-martin-nievera-at-alyssa-valdez-magpakatotoo-wag-magpapatalo-sa-bashers-laban-lang

Read more...