Ice Seguerra: Hindi kumpleto ang kuwento ng buhay ko kung wala si Tito Vic Sotto

Ice Seguerra hindi kumpleto ang kuwento ng buhay kung wala si Bossing

Vic Sotto at Ice Seguerra

“SA personal life ko ang dami ring ganap, as an LGBTQ person, marami rin akong naging milestones!”

Yan ang bahagi ng pahayag ng OPM icon na si Ice Seguerra patungkol sa mga naging achievements niya sa loob ng 35 years sa entertainment industry.

Kaya naman sa selebrasyon ng kanyang 35th anniversary sa showbiz, babalikan niya ang mga ito sa pamamagitan ng “Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert” produced by Fire And Ice Media and Productions in cooperation with Nathan Studios.

“The last major concert I had was 25 years ago. For the 30th year, I missed doing a show. Nasa Marawi ako that time. So pinag-usapan namin ni Liza (Dino, his wife) na we have to do something for my anniversary in showbiz.

“Nagsimula ako as a beauty queen, then acting, now I’m a singer. There’s another journey for me as a director din. This is something I really want to celebrate,” pahayag ni Ice sa isang panayam.

Patuloy pa ng singer-songwriter, “After the pandemic, I realized that milestones should be celebrated. You’ll never know about the next chance. Basically, the concert is about my life, not just my career.

“Sa personal life ko ang dami ring ganap, as an LGBTQ person, marami rin akong naging milestones. It’s not just a showcase of hits, but I also want to sing songs that tell stories,” dagdag pa niya.


Samantala, ilan sa magiging special guests niya sa kanyang anniversary sa concert ay sina Bossing Vic Sotto, Martin Nievera at Juris na kasama niya noon sa ASAP Sessionistas.

“Hind kumpleto ang kuwento ng buhay ko kung wala si Tito Vic. Hindi lang siya naging tatay ko sa ‘Eat Bulaga’ eh kundi pati na rin sa ‘Okay Ka, Fairy Ko.’

“He’s been there, naging ninong ko siya sa kasal. Isa siya sa mga nagturo sa aking maggitara. Ang dami naming moments sa buhay,” kuwento ni Ice.

“Si Martin Nievera ay isa sa mga kumupkop sa aking when I was younger, noong silang dalawa pa ni Pops (Fernandez). Parang anak nila ako like I would go to their house,” dagdag pa niya tungkol sa Concert King.

Patuloy pa niya, “Isa si Juris sa mga naging milestone ko, how I became a producer. Siya ang reason kaya nag-jumpstart ako na magproduce ng albums.”

Dagdag pa niya about the concert, “During the concert, we will show how I became now. Yes, there will be visuals. So that’s how we got the title ‘Becoming Ice.’ I was able to get footage from ‘Eat Bulaga,’ M-Zet,” aniya pa.

Naaaliw din daw siya kapag nakikita niya ang mga litrato niya noong bata pa siya, lalo na ang mga kuha niya noon sa longest-running noontime program sa bansa, ang “Eat Bulaga.”

“Natatawa ako. Ako ba ito? I was so happy with the people around me. The ‘Eat Bulaga’ people, ‘Okay Ka’ people. They did not treat me na artista. Growing up in this industry, you will be surrounded by yes men.

“Marami silang naituro na magagandang values sa akin. I really enjoy watching my younger self. Pero ang layo na. Oh my God! Ganito pala ako nuon. Until now pagnakikita ko yung mga photos, natutuwa ako.

“Pati na rin yung mga write up sa akin. Ang galing ng mommy ko magtago. Wala akong ganung talent,” kuwento ni Ice.

“When I was younger I enjoyed playing with older people. Siyempre ang older people sa akin yung mga staff. Pag may taping dala ko lahat ng laruan ko, gamit ko.

“Na-realize ko na lang yun na I was earning money for the family nung mga teenager na ako. Naalala ko nuon naiyak ako kasi nasa mamahaling school ako nagaaral nu’n.

“Sometimes you can’t help but compare pero I realized na I came from humble beginnings. My parents, they just worked hard. My mom did everything para mapalaki ako ng ganito,” sey pa ni Ice.

Ito naman ang sagot ni Ice sa mga nagkukumpara sa kanya sa younger “Eat Bulaga” hosts na sina Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste, “I’m sure inalagaan din sila ng ‘Eat Bulaga.’ I love how my mom trained me into singing, and dancing. Acting hindi masyado.

“My mom believes that if you’re into this industry, you have to know these things. Sa mga parents, siguro bukod pa pagiging cute, meron din tayong maibubuga or talent na maibibigay.

“This is work. This is a job. You should know that you’re working with professional actors and you have to value your time. Sa magulang, hindi porke kumikita ang mga anak ninyo, boss sila.

“That’s the worst thing that you can do. It’s up to you parents to keep them grounded. I swear hindi ninyo magugustuhan ang mangyayari kapag hinayaan ninyo yan,” pahayag pa ni Ice.

Ang “Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert” ay mapapanood na sa Oct. 15 sa Theater Solaire, produced by Fire And Ice Media and Productions in cooperation with Nathan Studios.

Si Ice rin ang stage director ng kanyang show habang si Ivan Lee Espino ang magiging musical director. Available na ang tickets sa TicketWorld.

Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra

Pangarap ni Ice Seguerra na makapagdirek natupad na: Sa totoo lang, akala ko hindi na magkakatotoo

Liza Dino gustong gumawa ng pelikula tungkol sa trans family: Ano ba yung pinagdaraanan namin?

Ice Seguerra pinag-iipunan ang pagpapatanggal ng dibdib; saludo sa katapangan ni Jake Zyrus

Read more...