Joey Reyes tinawag na ‘thinking actress’ si Janelle Tee, ikinumpara kay Ana Capri

Micaella Raz, Rob Guinto at Janelle Tee

BET na bet ng award-winning veteran director na si Joey Reyes ang isa mga palaban at walang inuurungang Vivamax bombshell na si Janelle Tee.

Naniniwala ang batikang direktor na malayo pa ang mararating ng sexy star at dating beauty queen sa showbiz industry dahil sa pagiging professional nito at taglay na talento sa pag-arte.

Muling nagkatrabaho sina Janelle at Direk Joey sa bagong Vivamax crime series na “An/Na” kung saan gumaganap ang aktres bilang si Anna Clemente. Una silang nagkasama sa Vivamax Original Movie na “Secrets.”

Ayon sa direktor, nakikita niya ang husay ni Janelle sa premyadong sexy actress na si Ana Capri at inilarawan pa niya ito bilang “thinking actress”.

“Ana Capri was not only sexy but she is qualified as a good actress, a very good actress. And I think what made Ana very different from the rest of her generation was that she was a thinking actress.


“In other words, she was not going to take off her clothes and then think that that is a performance. For her, she was using her body to express a character,” pahayag ni Direk Joey sa nakaraang virtual mediacon ng “An/Na”.

Sabi pa ng veteran filmnaker, hindi naman daw siguro mananalong Miss Earth si Janelle kung bobita ito.

“Nangangahulugan na she can do so much more than what is being ask from her now. And I really hope she will be given the opportunity to go beyond what she is doing now.

“I love Janelle. She will last because she can do so many things, she is versatille, from beauty queen to now, actress. She got what it takes,” aniya pa.

Hirit pa ni Direk, “Sa totoo lang, maraming talentless actors pero I will go for Janelle or even Rob (Guinto, na kasama rin sa ‘An/Na’) na masipag na aktres and willing to learn. Rob is more than just a body.”

Iikot ang kuwento ng four-part Vivamax original series na “An/Na” sa karakter ni Janelle bilang si Anna Clemente. Siya ay isang simpleng empleyado kung saan iba’t ibang produkto ang ibinebenta, hindi nga lang sapat ang kinikita nito para tustusan ang kanyang pangangailangan.

Tumutulong siya sa pamilya ngunit hindi nakababayad ng tama sa kanyang upa. Mapipilitan siyang maghanap ng “easy money” at ito ay ang pagpasok sa prostitusyon. Dito, ang pangalan niya ay Mei Ling.

Sa pagsiping niya sa iba’t ibang lalaki, paano nila maapektuhan ang buhay ni Anna? May patutunguhan pa kaya ang relasyon niya sa kanyang long distance boyfriend na si Guido (Greg Hawkins)?

Si Migs Almendras ay gumaganap na si Jason, ang nagpasok kay Anna sa agency. Matagal na rin itong sex worker habang si Guji Lorenzana ay si Benedict, pamilyado ngunit kliyente ni Anna.

Si Fabio Ide ay si Virgil, ang boss ni Guido na magiging kliyente rin ni Anna. Siya na ba ang magsisiwalat ng sikreto ni Anna? Si Rolando Inocencio ay si Atendido, isang imbestigador na maraming matutuklasan.

Samantala, si Rob Guinto ay gumaganap bilang si Eunice, ang best friend ni Anna. Dahil siya mismo ay liberated na tao, mauunawaan niya ba si Anna o magiging mapanghusga ito?

Tutukan ang bawat episode ng “An/Na” at saksihan ang kanyang pakikipagsapalaran hanggang sa nakaaantig na pagtatapos. Kasama rin dito sina Fabio Ide, Micaella Raz, CJ Jaravata, Axel Torres, Azi Acosta at Clara del Rosario.

Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa September 25.

https://bandera.inquirer.net/319604/janelle-tee-hiyang-hiya-kay-joey-reyes-tapos-napansin-niya-mahilig-akong-lumafang-kaya-pinapakain-niya-ako-nang-husto

https://bandera.inquirer.net/315298/janelle-tee-inatake-ng-matinding-hiya-kay-joey-reyes-intimidating-siyempre-kasi-baguhan-lang-akong-artista

https://bandera.inquirer.net/313280/janelle-tee-bet-maging-best-actress-game-na-game-sa-matitinding-eksena

https://bandera.inquirer.net/318207/herlene-budol-ipinakilala-ang-pinakamalapit-na-kandidata-sa-bb-pilipinas-2022

Read more...