Janella patuloy na inilalaban ang pagiging single mom: Alam kong kaya ko siya…hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba

Janella Salvador inilalaban ang pagiging single mom

Janella Salvador, Markus Paterson at Jude

DIRETSAHAN nang inamin ni Janella Salvador sa madlang pipol na isa na siya ngayong single mom.

Ito na ang sagot ng Kapamilya actress sa matagal nang nababalita tungkol sa paghihiwalay nila ng aktor na si Markus Paterson, ang tatay ng anak niyang si Jude.

Ayon kay Janella, proud na proud siya sa kanyang sarili bilang isang single working mother kasabay ng pagpuri sa nanay niyang singer-actress na si Janine Desiderio na mag-isa rin siyang binuhay at pinalaki pati na ang kanyang mga kapatid.

Sa YouTube vlog ng Kapamilya news anchor na si Bernadette Sembrano, natanong si Janella kung nakaka-relate ba siya sa karakter niya sa action-fantasy series na “Darna” bilang si Regina (na nagiging Valentina).

“I actually portray two characters. Si Valentina, she’s the monster. The alter ego is Regina, she’s the human form. Si Valentina, she’s a monster, she’s fierce, she’s scary.

“Si Regina, she’s a lawyer and vlogger. She’s very intelligent and her heart is in the right place. She fights for justice,” simulang tugon ni Janella.

Pagpapatuloy niya, “Kasi si Regina, kapag meron siyang ipinaglalaban, as long as alam niyang nasa tama siya, ilalaban niya talaga.”


Aniya, magkapareho sila ni Regina na lumalaban para sa katotohanan at naninindigan sa kanyang pinaniniwalaan.

At ang huli raw niyang ipinaglaban sa tunay na buhay ay, “Being a single mom. Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya.

“As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin.

“I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” pahayag ni Janella.

Proud din niyang ibinandera sa publiko ang kanyang pagiging independent kahit noong wala pa siyang anak, na namana raw niya kay Jenine.

“Siguro kasi I saw my mom growing up, kung paano siya. She was able to raise us on her own. So siguro na-embody ko rin kung paano siya. I wanted to be independent as well,” sey pa ng anak ni Jenine Desiderio sa dating band vocalist na si Juan Miguel Salvador.

Alam daw ni Janella sa kanyang sarili na isa siyang matapang na babae dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang nakatayo at lumalaban sa mga hamon ng buhay.

“I always hear that I am the bravest person that they know,” aniya pa.

Matatandaang kinumpirma nina Janella at Markus ang kanilang relasyon noong September, 2020 at ilang buwan lang ang nakalipas, ipinakilala na nila si Baby Jude sa madlang pipol.

https://bandera.inquirer.net/312197/totoo-ba-ang-chika-janella-salvador-markus-paterson-ilang-buwan-na-raw-hiwalay

https://bandera.inquirer.net/321078/janella-markus-maligaya-na-sa-kani-kanilang-buhay-basta-ok-kami-our-main-priority-now-is-jude

https://bandera.inquirer.net/316217/markus-may-drinking-problem-hiwalay-na-nga-ba-kay-janella-kahit-nakatira-sa-iisang-bahay
https://bandera.inquirer.net/304888/janella-markus-wala-pang-balak-magpakasal-yung-focus-namin-ngayon-na-kay-baby-jude-talaga

Read more...