Jake Ejercito certified ‘ander de saya’, sunud-sunuran lang kay Ellie; pwede nang manalong ‘best daddy’

Jake Ejercito sunud-sunuran lang kay Ellie Ejercito

Jake Ejercito at Ellie Ejercito

WALA nang nagawa ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito kundi ibigay ang gusto ng anak na si Ellie nang “titigan” na siya nito na para bang “nagbabanta.”

Aliw na aliw ang mga netizens sa mga ipino-post ni Jake sa kanyang mga social media account lalo na kapag isine-share na niya ang mga bonding moments nilang mag-ama.

In fairness, pwede na talagang manalong “best daddy” ang anak ni dating Pangulong Joseph Estrada dahil sa pagiging mabuti at responsableng tatay ni Ellie.

Sa latest post nga ni Jake sa Twitter, diretsahan na niyang inamin sa madlang pipol na isa siyang certified “under de saya” pagdating sa anak na si Ellie!


Makikita sa Twitter photo ni Jake si Ellie na nakatitig sa kanya habang sila’y nasa isang candy store na tila may “pagbabanta” sa kanyang daddy.

“‘No’ to ‘ok boss’ real quick,” ang maikling caption ng aktor sa ibinahaging tweet na may hashtag na #underdesaya.

Sa mga hindi pa masyadong aware sa meaning ng “ander de saya,” ito’y mula sa English words na “under the skirt” na ang ibig sabihin sa Tagalog ay isang lalaking kontrolado at oo lang nang oo sa isang babaeng mahal na mahal niya. Ganern yurn! Ha-hahaha!

Ayon kay Jake, nang bigyan na siya ng “killer side eye” ni Ellie ay wala na siyang nagawa kundi ang bilhan ang bagets ng paborito nitong candy.

Last Monday, muling nagkasama ang mag-ama nang sundan ni Jake ang anak sa Europe para magbakasyon nang ilang araw with the other members of their family.

Nitong nagdaang buwan, nagtungo sa France si Ellie kasama ang inang si Andi Eigenmann at fiancé nitong si Philmar Alipayo pati na ang mga kapatid niya sa ina para sa isang buwang European vacation.

https://bandera.inquirer.net/282396/jake-masaya-sa-co-parenting-setup-nila-ni-andi-nakikita-ko-kay-ellie-na-hindi-na-siya-nahihirapan

https://bandera.inquirer.net/297267/jake-kay-ellie-i-have-no-choice-but-i-spoil-siya-kasi-minsan-lang-kami-magkasama
https://bandera.inquirer.net/283271/jake-ejercito-5-taon-nang-walang-dyowa-payag-makatrabaho-sina-andi-at-jaclyn
https://bandera.inquirer.net/298529/jake-may-promise-para-kay-ellie-happy-birthday-my-love

Read more...