BOY ABUNDA nakipagsabwatan daw kay GRETCHEN para apihin si CLAUDINE


KALURKY naman ang kwento ng aming source tungkol sa ina ni Claudine Barretto na si Mommy Inday, pinagbibintangan daw kasi nito ang King of Talk na si Boy Abunda na “hinarang” ang report/feature tungkol sa kanyang anak at sa mister nito na si Raymart Santiago na ipapalabas daw sana sa The Buzz last Sunday.

Pinagtulungan at ginawan daw ng paraan ni Boy at ng kaaway na kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto na hindi maipalabas ang report sa ex-wife ni Raymart.

Di naman daw lingid sa showbiz na bukod sa talent-manager relationship, e, super magkaibigan din sina Gretchen at Kuya Boy.
Nairita naman daw ang mahusay na host nu’ng makarating sa kanya ang kwento na diumano’y pinagbibintangan siya ni Mrs. Barretto na  pinatanggal nila sa The Buzz ang report tungkol sa anak niya.

Sabi ng aming source, paano naman gagawin ‘yun ng TV host gayong hindi naman niya alam ang buong laman ng show kundi a day before lang.

Sakto naman that day, e, out-of-town si Kuya Boy habang nasa Europe naman si La Greta. At ‘di naman daw ang tipo ni Kuya Boy ang nakikialam sa kung anong lalamanin ng show much more ang magpatanggal ng istorya.

Hindi raw kaya nahawa na si Mrs. Barretto sa kanyang anak sa pagiging “paranoid” na kung sinek-sinek na lang ang dinadawit sa mga problemang kinakaharap nila ngayon.

( Photo credit to Google )

Read more...