Hayden ibinuking ang nakakalokang sagot ni Vicki nang yayaing mag-date para sa kanilang 5th wedding anniversary

Hayden Kho may ibinuking tungkol kay Vicki Belo

Hayden Kho at Vicki Belo

MULING pinakilig ni Hayden Kho ang mga netizens sa ipinost niyang sweet message para sa asawang si Dra. Vicki Belo.

Nag-celebrate ng kanilang 5th anniversary ang celebrity couple kamakalawa, September 2, bilang mag-asawa, na itinuturing nilang isa sa biggest blessing ng kanilang natanggap mula kay Lord.

Binati ni Vicki si Hayden sa pamamagitan ng Instagram kung saan ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang ilang wedding photos nila na ginanap sa Paris, France.

Sabi ni Vicki sa caption, “Happy 5th wedding anniversary my beloved husband.

“Then, I whispered a prayer that our marriage would be a most loving, joyful and meaningful one.

“Today is proof that God works for the good of those who love Him. Who have been called according to His purposes,” mensahe pa ng celebrity cosmetic surgeon.

Ibinuking naman ni Hayden ang naging usapan nila ng kanyang misis nang yayain niya itong mag-date para sa kanilang wedding anniversary.


Nag-share rin ang model at dating aktor ng litrato nila ni Vicki sa IG at ikinuwento ang nakakaaliw at nakakatuwang palitan nila ng dialogue nu’ng mismong araw ng kanilang anibersaryo.

“Me: ‘Pingpong, can we go out tonight just you and me?’

“Vicki: ‘Yey, I was waiting for you to ask me!’

“Me: ‘What would you like to do?’

“Vicki: ‘I’m tinatamad, e. Can we stay home na lang? But buti you asked!’

“Me: (sad face emoji).

“Happy anniversary, @victoria_belo. I love doing life with you,” ang kabuuan ng IG caption ni Hayden.

Unang ikinasal sina Hayden at Vicki sa pamamagitan ng isang intimate civil ceremony noong June, 2017 at makalipas nga ang isang buwan muling nagpalitan ng “I do” ang dalawa sa napakabongga at napakasosyal na wedding sa Paris.

Biniyayaan ng isang anak ang celebrity couple, si Scarlet Snow, na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy.

https://bandera.inquirer.net/309467/vicki-belo-umamin-im-one-of-those-women-who-needs-a-man-i-feel-thats-a-weakness

https://bandera.inquirer.net/306039/hayden-kho-binili-ang-dream-car-ni-dra-vicki-belo-its-for-real-and-this-is-for-you

https://bandera.inquirer.net/318550/hayden-kho-naglabas-ng-resibo-para-patunayang-magdyowa-pa-rin-sina-liza-soberano-at-enrique-gil

https://bandera.inquirer.net/312723/barbie-forteza-jak-roberto-5-years-nang-magdyowa-netizens-napa-wow

Read more...