IBINAHAGI ni Doc Willie Ong ang ilan sa mga dahilan kung bakit tumakbo siyang senador noon at vice president nito lamang nagdaang May, 2022 elections.
Ayon kay Doc Ong gusto raw talaga niyang makatulong sa maraming tao bukod pa sa naniwala siya sa pastor na nagsabing mananalo siya, pero hindi nga siya nagwagi at aminadong hindi kasi siya kilala talaga.
Hindi na siya nanalo sa pagkasenador noon, bakit kumandidato pa siyang bise presidente last May na mas mataas pa sa tinakbuhan niyang posisyon nu’ng una.
“Wala talaga akong planong tumakbo kasi alam kong hindi ako mananalo ulit, kulang nga kasi ‘yung numbers ko 70%, wala naman akong perang pang TV ads, so okay na ako itutuloy ko lang ‘yung charity works.
“Ito honest talk talaga para manalo ka, you need money, so pag wala ka no’n hindi ka talaga aabot.
“Kaya nu’ng inimbita ako ni Isko (Moreno, ex-Manila mayor) na siya na ang gagastos, na magra-ride on ako matututo ako, ibi-briefing ako saka hindi briefing pang senador kundi pang buong bansa, e, gusto kong matuto (tulad) sa Foreign Affairs, ano ito,” pag-amin pa ni Doc Willie sa panayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube vlog.
Diretsahan din nitong inamin na mas gusto niyang makatulong kaysa magkaroon ng posisyon.
“Ang goal ko ay para makatulong at hindi ako nae-excite sa may puwesto ka. Anong nakaka-excite ro’n, trabaho ‘yun!” diin nito.
Paano natatanggap ni Doc Willie ang bashers niya? “Hindi ko sila pinapansin. Happy lang ako tumulong it’s good for my depression, good for my mental health and basically pasalamat ako sa Diyos kasi doon lang ako happy.
“Bakit ang dami kong followers, wala kasi silang makuhang libre sa gobyerno, sorry to say!
“Kung maganda ang service health care sa private at government at may nakukuha silang libreng gamutan, hindi na sila manonood ng videos ko, e, wala nga silang mapuntahan. Wala silang makuhang libreng gamot sa high blood, sa diabetes kaya aasa sila sa akin,” aniya pa.
Alam namin ay may libreng gamot sa public health center pero hindi kumpleto o hindi naibibigay sa tamang nangangailangan dahil karamihan naman nang nakaupo o namumuno ay inuuna ang mga kakilala, kaibigan at kaanak.
Ang mga kakilala naming nasa ibang bansa na hindi sapat ang pera para magpa-check up ay umaming nanonood sila sa videos ni Doc Willie at malaking tulong ito sa kanila.
Samantala, aksidenteng nakita namin sina Doc Willie at Doc Liza Ong sa Robinson’s Galleria noong Agosto 23, Martes at talagang nagkakumustahan kami.
Inalam muna ni Doc kunh kumusta ang sugar ko dahil sa kanya kami nagpapa-check up pati na ang maintenance namin ay siya rin ang nagreseta at kahit daw dekada na naming iniinom ito at maganda ang pakiramdam namin ay walang dahilan para magpalit kami ng gamot.
Ang diretsong sabi namin kay Doc Willie na maraming kababayan na siya sana ang ilagay bilang head ng Department of Health na pansamantalang pinamumunuan muna ngayon ni Doc Rosario Vergeire na itinalaga ni Presidente Bongbong Marcos, Jr.
“Naku, tingnan na lang natin, hindi naman ako kilala,” maagap nitong sabi.
Well, sana nga si Doc Willie Ong ang mapiling DoH secretary at naniniwala kaming magiging maganda at produktibo ang tandem nila ni Doc Vergeire.
https://bandera.inquirer.net/322812/doc-willie-ong-dumaan-muna-sa-sandamakmak-na-sama-ng-loob-bago-nagkaroon-ng-7-m-subscribers-sa-youtube
https://bandera.inquirer.net/293633/bakit-nga-ba-si-doc-willie-ong-ang-napiling-vp-ni-yorme
https://bandera.inquirer.net/306039/hayden-kho-binili-ang-dream-car-ni-dra-vicki-belo-its-for-real-and-this-is-for-you
https://bandera.inquirer.net/293705/i-can-work-with-anybody-dilaw-o-pula-dahil-moreno-naman-ang-kulay-ng-filipino