ER EJERCITO sa COMELEC: Ako pa rin ang GOVERNOR ng LAGUNA!


HABANG nasa kalye ako nu’ng isang araw dala ng left and right kong appointments, I was barraged by some calls and text messages from friends in and out of showbiz nay may kunek sa pag-disqualify daw ng Comelec sa mahal nating si Laguna Gov. ER Ejercito because of overspending daw noong panahon ng kampanya.

Ang dating sa amin ay resulta ito ng panlalaglag ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga kapwa-senador (including Senate President Franklin Drilon na kababayan ko pa naman pero, whew!

He was implicated to the P10-B Napoles pork barrel scam by one whistleblower) and the very next day after mag-privilege speech ni Sen. Jinggoy ay parang napakabilis ng mga pangyayari.

Obviously ay ni-railroad ang “overspending case” laban kay Gov. ER noong nakaraang eleksiyon. Sobrang bilis, ha! At  nakapaglabas agad ng resolusyon ang Comelec sa kaso!

Nagimbal ako siyempre dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano ko kamahal at nirerespeto si  ER.
At naniniwala akong isa na naman itong move para gantihan ang mga Estrada at ang easiest target nila ay si Gov. ER.

Iyan ang basa namin and parang sure na sure kami na ito’s isang maliwanag na pambebengga sa butihing gobernador.
“I also heard na sinisilipan na rin nila sina Sen. JV Ejercito at Manila Mayor Joseph Estrada.

Pinahahalungkat daw ang mga dokumento ni JV when he was still mayor ng San Juan at yung kay Pres. Erap naman ay tungkol sa kanyang residency. Talagang magulo itong ginawang pambebengga laban sa pamilya-Estrada.

Tiyak na may basbas ito ng Palasyo. Siyempre, mga appointees nila ang lahat ng mga heads ng halos lahat ng government agencies, including the Comelec.

“Saan ka nakakakita na yung ibang mga kasong inihahain sa kanila ay naaabutan na ng next elections bago sila nakakapag-desisyon pero itong kay Gov. ER, the day after – as in kinabukasan after tirahin sila ni Sen. Jinggoy ay ibinaba agad ang desisyon. Halata na sila.

Wala ng kuwenta ang bansang ito,” anang isang galit na galit na kaibigan naming naaawa kay Gov. ER. We tried to get some comments from Gov. ER about this pero nag-beg off siya for an interview.

Maaaring magpatawag na lang ang lawyers niya ng presscon to air his sentiments pero pinadalhan naman niya tayo ng official statement via text. Ito ang nilalaman ng message ni Gov. ER.

“The Comelec decision is not final and executory. I am entitled to file a motion for reconsideration and pending resolution thereof. I will remain to be the governor of the province of Laguna.

As to the merits and demerits of the case I will leave that to my lawyers. I just hope and pray that evil politics is not behind all these.

For now, let it be known that I have full trust and confidence on the integrity of the Comelec. In the end justice will prevail and the truth will come out.

“Nakakagulat…nakakalungkot…hindi ko inaasahan na ako ay magiging biktima ng lumalalang pulitika. Trabaho lang at serbisyo publiko ang pakay ko at ang kapakanan ng aking mga kalalawigan.

Hindi pa tapos ang kaso. Tuloy-tuloy pa po ang laban samantalang gumugulong ang proseso, ako pa rin ang gobernador ng Laguna. Sa bandang huli, lahat ng ito ay aking malalampasan.

Mananaig ang katotohanan at kapangyarihan ng batas ang iiral.”

Nakakalungkot talaga – sa totoo lang, nakakagalit dahil masyado nilang pinipersonal ang mga kalaban ng administrasyong ito. Lahat na lang ng mga kaalyado ng administrasyon ni Aquino ay kaniya-kaniya panggugulo ng buhay ng mga taga-Oposisyon.

Imagine, overspending ang kaso nila kay Gov. ER – di ba’t sobrang nakakatawa samantalang sila ay kaniya-kaniya ng bulsa ng pork barrel pero parang wala lang.

Ganito na ba kakapal ang mga mukha ng mga taong ito para sirain ang kredibilidad ng mga kalaban nila sa pulitika? Nakakaawa ang mga biktima nila. Walang kalaban-laban.

Nasaan na ang demokrasya at hustisya sa bansang ito? May mga puso ba ang mga ito? Nagre-revolt ang kalooban ng marami nating kababayan sa Laguna sa inilabas na desisyon kuno ng Comelec.

Alam ng lahat na napag-initan lang talaga silang mga Estrada. Hindi na sila nahiya. Kung overspending ang isyu nila, aba’y dapat kasuhan din nila sina Cynthia Villar, Sonny Angara, Bam Aquino na napakaraming TV ads at iba pang uri ng pangangampanya, why Gov. ER? Kasi natalo ang manok ni P-Noy na si Egay San Luis?

Oo, diretsahan na, minanok ni P-Noy si Egay San Luis pero natalo ito kay Gov. ER – milya-milya ang agwat ng kanilang boto. Landslide si Gov. ER kasi nga, ayaw na ng mga tao kay San Luis dala ng track record nito.

Iyon ba ang gusto ni P-Noy na mangalaga sa Laguna, isang taong ayaw pagkatiwalaan ng mga tao? Iyan ba ang TUWID NA DAAN? Letse!

Sino kaya ang susunod sa mga Estrada ang pabababain ng administrasyong ito after Gov. ER? Teka lang, itong si Drilon, di ba’t kinasuhan ito ni Cong. Syjuco ng Iloilo (mismong kababayan niya) noon dahil sa hindi matibay na pagpapagawa nito ng Hall of Justice namin doon pero nasira agad.

Yung mga materyales yatang ginamit sa pagpapagawa ay mga mumurahin at hindi matibay – at di raw ito dumaan sa bidding? Kaloka!  Hay naku, ipagdasal na lang natin sila!

( Photo credit to Google )

Read more...