IBINANDERA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa buong mundo na gawa sa “recycled polyurethane plastic bottles” ang kanyang OOTD sa Vogue Philippines gala last Monday.
Proud na proud na inirampa ng TV host at beauty queen sa nasabing fashion event ang suot niyang nvironment-friendly na gawa ng designer na si Jaggy Glarino.
Ipinost ni Catriona sa kanyang Instagram account ang kanyang mga pictures na kuha sa naturang gala night na dinaluhan din ng mga sikat at kilalang celebrities.
“Sustainability but make it Vogue,” ang paandar na pagbabahagi ni Catriona sa kanyang white dress na may design na mga roses na gawa mula sa recycled plastic bottles.
Chika pa ng girlfriend ni Sam Milby, “In such awe of how plastic bottles became this sculptural masterpiece.
“Such an honor to elevate Filipino talent and creativity on such an exciting event for our country,” aniya pa.
Of course, kasama ni Catriona sa naganap na Vogue Philippines gala ang kanyang boyfriend na si Sam Milby.
Naka-bonding din niya uli sa nasabing event ang mga kapwa niya beauty queens na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss International 2016 Kylie Verzosa, at Miss World 2013 Megan Young.
* * *
Wagi ng Philippine Quill Award ang “Kapamilya Himig Handog,” ang unang employee songwriting competition ng ABS-CBN kung saan nakapaglunsad ang Star Music ng EP na “OPM Fresh Songwriters Series Vol. 1” tampok ang mga awiting kinanta ng mga sikat na artists na sinulat ng mga employee composer.
Kabilang sa EP ang mga awiting “Kaya Pala” ni Jona (sinulat ni Jane Abaday), “Sleep Tonight” ni Trisha Denise (sinulat ni Mark Marcos), “Mahiwaga” nina Bugoy Drilon at Liezel Garcia (sinulat nina Michelle Saubon at Michael Obregoso), “Ikaw Na Lang Ang Kulang” ni Kyla (sinulat nina Kitte Estabillo at Paul Armesin), at “Stop Missing You” ni Maris Racal (sinulat ni Mycah Borja).
Dahil sa “Kapamilya Himig Handog,” natupad ang pangarap ng mga aspiring employee composer na mapakinggan ng mundo ang kanilang mga awitin dahil available sa Amazon Music, Apple Music, Deezer, Spotify, at YouTube ang EP.
Hango sa kilalang nationwide songwriting contest na “Himig Handog” ang internal communications contest na nag-udyok sa aspiring employee songwriters na lumikha ng mga makabuluhang kanta at makilala ng Star Music.
Pinararangalan ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines taon-taon ang mga mahuhusay na mga programang pang-komunikasayon ng iba’t ibang organisasyon sa bansa sa Philippine Quill Awards.
Kinilala rin ng mundo ang “Kapamilya Himig Handog” matapos itong makasungkit ng international Gold Quill Award ng International Association of Business Communicators sa Excellence Gala Night sa New York, USA noong Hunyo.
https://bandera.inquirer.net/321846/bwelta-ni-alice-dixson-sa-mga-nang-okray-sa-kanyang-gma-gala-night-yellow-gown-ang-tao-nga-naman
https://bandera.inquirer.net/321868/darryl-yap-kinilig-kay-joel-lamangan-dati-yung-mga-gawa-niya-nagbibigay-inspirasyon-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/321010/julius-babao-nagreklamo-sa-natanggap-na-order-dawit-na-pizza-parlor-naglabas-ng-official-statement
https://bandera.inquirer.net/309432/billy-crawford-may-napili-na-sa-eleksyon-2022-gusto-ko-ng-pagbabago-hindi-lang-sa-salita-kundi-pati-sa-gawa