MAY napili na si Gardo Versoza na pwedeng magmana at posibleng magbida sakaling gawan ng bagong version ang classic sex-drama movie na “Machete.”
Yan ay walang iba kundi ang Kapuso hunk actor na si Yasser Marta na napapanood ngayon sa bagong primetime series ng GMA 7, ang “What We Could Be.”
Nag-share ng ilang BTS o behind the scenes photos si Yasser sa kanyang Instagram account na kuha sa taping ng “What We Could Be” kung saan kasama nga niya ang magka-loveteam na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
Isa sa mga ipinost ng hunk actor ay ang kanyang topless bathroom selfie na pinusuan at ni-like ng kanyang IG followers. Umani rin ito ng sandamakmak na fire emojis at mga positibong komento.
Kabilang na nga sa mga nag-post ng comment sa sexy photo ni Yasser ay ang veteran actor na si Gardo Versoza at tinawag nga niyang “Machete” ang binata.
Sa mga hindi pa nakakakilala kay Machete, siya ang estatwang kahoy na nabubuhay mula sa fictional character sa komiks na nilikha ng legendary Pinoy novelist na Pablo S. Gomez.
Noong 1990, ginawa itong pelikula na may titulong “Machete: Istatwang Buhay” na pinagbidahan ni Cesar Montano. After 4 years, nagkaroon ito ng sequel kung saan si Gardo naman ang gumanap na Machete.
At noong 2011, ginawan naman ng GMA ng TV adaptation ang “Machete” na pinagbidahan ni Aljur Abrenica.
In fairness, parang kering-keri nga ni Yasser na gumanap na Machete kung sakali ngang gawan uli ito ng bagong version. Bukod kasi sa kanyang hunky body, may ibubuga rin sa akting ang aktor.
Samantala, sinagot naman ni Yasser ang tanong kung ano ang masasabi niya ngayong siya ang gaganap na third party sa loveteam nina Miguel at Ysabel sa “What We Could Be.”
“Naku, sa akin wala namang problema kahit anong role e. Lalo na at nag-start ako as extra talaga. So mabigyan ng ganitong role, sobra-sobrang pasasalamat ko na.
“And, of course, itong show na to gawa ng Quantum Films, siyempre direk Jeffrey Jeturian, direk Neil Daza, Atty. Joji (Alonso), alam mo mga award-winning movies na ‘yung mga ginagawa nila so ako kahit anong role tatanggapin ko ‘yan basta galing sa kanila,” aniya pa.
Sey naman niya patungkol kina Miguel at Ysabel, “Ayokong maging showbiz masyado pero sa, totoo lang, napakaagaan nilang katrabaho.
“‘Yung show sobrang feel good lang e, para lang kaming magbabarkada na naglalaro sa eksena lalo ito romcom so may pagka-comedy s’ya, may drama,” dagdag pa niya.
“‘Yung mga eksena kapag kasama sina Miguel at Ysabel, napakadali kasi para lang kaming mga barkadang naglalaro,” sabi pa ni Yasser.
Napapanood ang “What We Could Be” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Lolong.”
https://bandera.inquirer.net/280017/gardo-iwas-muna-sa-politika-mahirap-baka-mailigpit-ako-bukas
https://bandera.inquirer.net/302625/yasser-marta-sa-mga-ayaw-pa-ring-magpaturok-huwag-kayong-matakot-ang-dami-na-naming-bakunado-na
https://bandera.inquirer.net/307748/sharon-cuneta-naimbyerna-kay-panelo-sa-pagkanta-ng-sanay-wala-nang-wakas-you-dont-mess-with-a-classic
https://bandera.inquirer.net/304351/knows-nyo-ba-bakit-tinawag-na-cupcake-si-gardo-versoza-ng-mga-taga-showbiz