NILINAW ng bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang naging reaksyon niya at ng iba pang hurado ng “Idol Philippines” nang matanggal ang mga contestants na sina Misha de Leon at Nisha Bedaña.
Nag-trending at naging hot topic kasi talaga sa social media ang tungkol dito bukod pa sa naging headline pa nga sa mga tabloid at online entertainment sites.
Inamin naman ni Chito at ng isa pang judge ng “Idol Philippines” na si Regine Velasquez na feeling “devastated” sila matapos ma- eliminate sina Misha at Nisha base sa kanilang boto at ng mga manonood.
Reaksyon ni Chito, “We are devastated. We are devastated pero we can only do so much as judges pero iba pa rin talaga ‘yung voting. Wala akong masabi.”
Sinundan pa niya ito ng tweet na, “Sasabihin ko ulit: Devastated. As judges, we could only do so much. Nagkakatalo talaga sa votes. Please, please, please vote for your chickens.”
At dahil nga rito, iba’t ibang komento ang nabasa namin sa social media at ilan nga rito ay nagsasabing parang unfair daw ang pinagsasabi ng singer-songwriter at ni Regine sa mga contestants na pumasok sa Top 8.
Sinagot naman agad ito ni Chito at nagpaliwanag sa madlang pipol sa pamamagitan ng Twitter, “May gusto lang ako i-clarify. We weren’t devastated because of those who made it sa Top 8.
“They deserve their spot…regardless kung trip mo sila o hindi. They worked sooo hard to get there.
“They got the scores that they needed from the judges, and the support and votes from their supporters. Nag-effort ‘yung mga fans nila para bumoto,” paliwanag ng singer.
Pagpapatuloy pa niya, “Sila ‘yung tipo ng mga fans na willing gumastos para bumili ng tickets sa mga shows, sila ‘yung tipo ng mga fans na pipila para makabili ng CD, and sila ‘yung mga tipo ng supporters na maglo-log in sa isang website para makaboto sa MYX upang manalo ‘yung music video ng mga idol nila.
“Tulad ng pag-support ng mga fans ni Sarah Geronimo. Nagagalit ba kayo sa kanila if they support their idol, while you don’t actively support yours?” punto pa niya.
Pagpapatuloy pa niya, “The format and mechanics used on ‘Idol Philippines’ is dictated by the ‘American Idol’ franchise, and sinusunod lamang ng ‘Idol Philippines’ ang patakaran nila… and that includes online voting.
“They need to consider, include, and add into the equation ‘yung overall tenacity ng supporters when it comes to supporting their bets. And that counts for a large percentage of their total score.
“Dun ako na-upset: sa fact na wala masyadong nag-effort mag-vote para kay Misha and Nisha… because I felt they deserved more from their supporters,” lahad pa niya.
Sa isa pa niyang social media post, hinikayat pa ng Parokya ni Edgar frontman ang viewers ng “Idol Philippines” na iboto ang mga karapat-dapat na manalo.
Aniya sa caption ng ipinost niyang litrato ng mga “Idol” finalists, “This is how the hopefuls were during the break, just before the announcement of the top 8.
“They all gathered in a tight circle, and said a little prayer.
“You could feel the sincerity that they were all rooting for each other.
“This is how beautiful the experience is.
“Instead of complaining, and asking ‘Idol Philippines’ to change, and go against the format dictated by the ‘American Idol’ franchise, maybe it would be easier to simply make an effort to vote… just like what the others did for those they chose to support.
“Kung nagawa nila, magagawa n’yo din… kung gusto n’yo,” dagdag pa niya.
https://bandera.inquirer.net/322687/neri-pinagpaliwanag-si-chito-kung-bakit-natanggal-sa-idol-philippines-si-nisha-bedana
https://bandera.inquirer.net/322776/misha-de-leon-sa-pagkatsugi-sa-idol-ph-nalungkot-ako-i-was-holding-back-my-tears
https://bandera.inquirer.net/322770/nisha-bedana-walang-sama-ng-loob-sa-pagkatsugi-sa-idol-ph-pero-this-is-my-last-competition-but-this-is-not-my-last-performance
https://bandera.inquirer.net/317131/chito-sa-solid-na-samahan-ng-parokya-ni-edgar-sa-amin-music-is-secondary-barkada-lang-muna-kaming-lahat