Wilbert Ross bet na bet ng mga beki: ‘Hala, bakit ako?’ Pwede namang Piolo Pascual, Sam Milby, Daniel Padilla…

Wilbert Ross at Rose Van Ginkel

GAMAY na gamay na ng Vivamax actor at dating member ng grupong Hashtag na si Wilbert Ross ang paggawa ng mga sex-comedy movie.

Halos puro ganitong klaseng pelikula kasi ang ibinibigay sa kanya ng Viva Entertainment na bentang-benta naman sa mga manonood. Kabilang na riyan ang movie nila ni AJ Raval na “Crush Kong Curly” at “Boy Bastos.”

At dahil nga sa mga sex-comedy films na ginagawa niya na napapanood sa Vivamax, mas marami na ngayon ang nakakalilala sa kanya, kabilang na ang mga beking nagpapantasya at humahanga sa kanya.

Sa naganap na virtual mediacon ng bago niyang pelikula, ang “5-in-1” na isa pa ring sex-comedy, natanong si Wilbert kung anong pakiramdam na dumami ang mga bading na nagka-crush sa kanya.


Ani Wilbert, natutuwa siya kapag naririnig ang tungkol dito pero may pagtataka rin daw dahil mas marami nga namang celebrities na mas gwapo at mas hunk sa kanya.

Sey ni Wilbert, “Nakakatuwa siyempre kasi kung iisipin mo, puwede naman Piolo Pascual, Sam Milby, Daniel Padilla, parang napapatanong ako.

“’Hala, bakit ako?’ na in a good way naman. Nakakatuwa. Masaya ako sa ganoon kasi nag-a-admire sila sa akin.

“Ang usual po na mga sagot nila, more on attracted sila sa singing ko. Kapag nakikita nila yung covers ko online,” aniya pa.

Kasunod nito, nabanggit nga ng actor-singer na sanay na sanay na siya sa pagganap sa mga sex-comedy movie.

“Medyo nagagamay ko na yung comedy, lalo na yung mga sexy comedy. Magaan na po siya sa akin kapag binibigyan ako ng roles na may comedy talaga.

“Sumasabog yung ideas ko, mga adlib at mga puwedeng gawin mismo sa set,” sabi ng binata.

Samantala, ikinagugulat din daw niya kapag tinatawag siyang “idol” ng mga nakapanood na sa mga pelikula niya sa Vivamax.

“Marami akong nakikitang comments na idol ang tawag nila sa akin. Kasi, parang yung mga pinagnanasaan nilang babae sa Vivamax, kumbaga, halos required na dumaan sa akin.

“Pero alam ko naman sa sarili ko na wala lang. May nabasa akong comment na tuwang-tuwa po ako. Papanoorin niya raw ako hindi dahil sa paghuhubad ko but because of my comedy.

“May nababasa rin ako na makikita na naman daw yung puwet ko. Para sa akin, okay lang.

“It’s good kasi the main thing about sexy movies is to make the people malibugan. Ibig sabihin, effective ako, so okay lang sa akin.

“Pero ang sinasabi ng mga tao, ang bait daw ng mukha ko. Mukha raw akong virgin. Parang wala raw akong kasalanan sa mundo,” sabi pa ng aktor.

Iikot ang kuwento ng “5-in-1” sa isang mayaman at maimpluwensiyang lalaking sabay-sabay na nakipagrelasyonnsa limang babae.

Makakasama ni Wilbert sa pelikula sina Rose Van Ginkel, Debbie Garcia, Ava Mendez, Jela Cuenca at Angela Morena with Giselle Sanchez, Marissa Sanchez, Lassy Marquez, MC Muah at Chad Kinis.
Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa September 23, sa direksyon ni GB Sampedro.

https://bandera.inquirer.net/304272/wilbert-ross-aminadong-late-bloomer-sa-sex-19-years-old-ako-doon-ko-na-explore-ang-ganda-ng-mundo
https://bandera.inquirer.net/300618/ex-hashtag-member-wilbert-ross-todo-depensa-kay-aj-raval-stay-strong-lang

https://bandera.inquirer.net/305893/hashtag-wilbert-ross-game-na-game-sa-sex-scenes-pero-hindi-pa-kayang-magpakita-ng-pototoy
https://bandera.inquirer.net/318965/high-on-sex-nina-wilbert-ross-angela-morena-at-kay-dovey-sa-vivamax-maraming-pasabog-sa-ending

Read more...