Mala-fairy tale love story ng viral couple na sina Viktoria Cupay at Nick Baldo ‘happy ang ending’, ikinasal na sa US

Nick Baldo at Viktoria Cupay

TULAD ng kuwento sa kinalakihan nating mga fairy tale, nagkaroon din ng “happy ending” ang viral love story nina Viktoria Cupay at Nicholas “Nick” Baldo.

Ikinasal na ang dalawa nitong nagdaang August 19, 2022, sa Amerika kung saan sila naka-base na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa nakita naming mga litrato at napanood na video na kuha sa kanilang wedding, parang wala silang pinagdaanang matinding pagsubok sa buhay.

Sa mga hindi pa masyadong aware tungkol sa dakilang pagmamahalan nina Viktoria at Nick, naging viral noong 2019 ang kanilang kuwento dahil sa wagas na pag-ibig nila para sa isa’t isa.

Na-comatose ang Filipinang si Viktoria sa loob ng isang buwan at ilang beses din siyang ni-revive habang nakaratay sa banig ng karamdaman dahil sa lupus at Stevens-Johnson Syndrome.

Ngunit sa kabila ng kaawa-awang sitwasyon ni Viktoria, hindi siya pinabayaan at hindi siya iniwan ng kanyang American boyfriend na si Nick. Talagang inalagaan niya nang bonggang-bongga si Viktoria.

At nang magising mula sa coma, nag-propose agad si Nick sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit binansagan ng mga netizens na “Prince Charming” si Nick tulad ng mga kuwento sa fairy tales.

Sa isang pahayam, nagkuwento si Nick hinggil sa pinagdaanan ni Viktoria, “She was there going through so much pain and suffering. I couldn’t leave and go anywhere. I just had to be in that room with her.”

Pagbabahagi naman ni Viktoria patungkol kay Nick at sa pagpo-propose nito sa kanya, “His values and his standards and morals are the same as mine.

“I said ‘yes’ because I know that I’m with a good man, and even if I was in the hospital bed, I have been thinking about it the months before… he’s the one,” aniya pa.

Sa pamamagitan ng isang TikTok video, ibinahagi ni Viktoria ang ilang wedding photos nila ni Nick kalakip ang video clip ng marriage proposal sa kanya ni Nick na naganap nga nang magising siya sa coma noong 2019.

“It’s amazing how much we have changed since our proposal day exactly three years ago.

“Some stories have a happy ending. Through sickness and in health with you,” ang caption ng bride sa kanyang TikTok video.

In fairness, habang isinusulat namin ang balitang ito ay may mahigit 18 million views na TikTok ang video ni Victoria. Habang ang kissing photo naman nila sa wedding ay may more than 2 million views na.

Patuloy pa rin ang pagpapagamot ni Viktoria para sa kanyang lupus na isa nang lifetime medical condition.

Mala-fairytale life story ng dalagang na-coma nagpasabog ng good vibes: I was in shock!

Pinoy ‘weightlifting fairy’ Hidilyn Diaz tatanggap ng P33-M para sa nasungkit na Olympic gold medal

Marco Gallo hindi basta-basta maghuhubad sa pelikula: If every movie is good and it needs baring, yes, why not?!

‘Mukhang high school’ photo ni Aiko viral na: Mahirap pero kung gugustuhin, kakayanin yan!

Read more...