‘Darna’ ni Jane de Leon sa ABS-CBN humahataw sa online views pero…

Darna ni Jane de Leon talo pa rin ng Lolong sa ratings

Jane de Leon

KASABAY ng balita na pansamantalang inihinto ng TV5 at ABS-CBN ang kanilang negosasyon para isara ang kasunduan ay ang joint hearing na ginawa ng House Committee on Legislative Franchises at Committee on Trade and Industry sa Kongreso tungkol sa investment agreement na nilagdaan ng dalawang media companies.

Isa sa mga naimbitahang resource speaker sa pagdinig ang commissioner ng Philippine Competition Commission o PCC na si Johannes Bernabe na sinabing posibleng mas magbukas ng mas magandang kompetisyon ang kasunduan, lalo na kung matutulungan ng ABS-CBN ang TV5 na maging malakas katapat ng GMA-7.

Taliwas ito sa pananaw ng isang kongresista na nag-udyok sa PCC na tingnan ang kasunduan na maaaring magresulta umano sa monopolya sa TV industry.

Kahit may kompetisyon kasi, hindi raw maipagkakaila ang pag-domina ng GMA 7.


Aniya, “There is a dominant incumbent in GMA-7 and the balance of 40% is spread out among several competitors. One might say you need stronger viable competitors to be able to say there is strong competition in the market.”

Well, totoo naman kasi na kulang sa kompetisyon sa free TV. Halimbawa na lang ang primetime kung saan kahit humahataw sa online views ang bagong ABS-CBN serye na “Mars Ravelo’s Darna,” lamang pa rin ang “Lolong” ng GMA-7 kung TV ratings ang pagbabasehan.

Samantala, sinabi rin ni Bernabe na hindi “notifiable” o kailangang ipaalam ang investment deal sa ahensya dahil hindi ito lumampas sa P50 bilyong threshold para sa mergers at acquisitions na nakasaad sa Bayanihan 2 law.

Para sa mga hindi nakakaalam, sa ilalim ng kasunduan ng ABS-CBN at TV5, bibilhin ng ABS-CBN ang 34.99% ng TV5 sa halagang P2.16 billion, na pwedeng iangat sa 50% pagkatapos ng walong taon.

Paliwanag ni Bernabe, “Based on this publicly available information, it appears to be that the transaction is not notifiable. It does not meet the transaction value under the Bayanihan to Recover as One Act or the Bayanihan 2 law.”

Pero giit ni Cong. Rodante Marcoleta, dahil hindi naman tungkol sa “recovery” na layunin ng Bayanihan 2 law ang transaksyon, hindi ba dapat gamitin dito ang P1 bilyong threshold?

Ani Bernabe, tinutulan nila ang P50 bilyong threshold noong nagde-deliberate para sa Bayanihan 2 law pero nanaig ang kongreso sa kagustuhan nila. Giit niya, “I must submit to the principle of ‘dura lex, sed lex’ that while the law may be hard, it is still the law and we would be running afoul of the law if we submit our own interpretation of what you legislated and disobey the explicit mandate under section 4 (eee) of the Bayanihan 2.”

Sa madaling salita, nanindigan si Bernabe na pasok ang investment deal ng ABS-CBN at TV5 sa threshold dahil isinagawa ito habang epektibo pa ang Bayanihan 2 law, na mismong mga kongresista gaya ni Marcoleta ang nagpasa.

Maganda sana kung matutuloy pa rin ang investment deal sa pagitan ng dalawang media networks dahil gaya nga ng sinasabi namin noon pang simula, siguradong magpapasigla ito ng local TV industry.

https://bandera.inquirer.net/321263/pagsasanib-pwersa-ng-abs-cbn-at-tv5-level-up-na-investment-signing-agreement-sinelyuhan
https://bandera.inquirer.net/314966/robin-may-ni-request-na-posisyon-sa-senador-pinayuhan-nina-zubiri-at-drilon-na-mag-aral-mabuti
https://bandera.inquirer.net/299893/marian-rarampa-na-sa-israel-kinabog-si-bea-sa-dami-ng-luggage
https://bandera.inquirer.net/292084/yassi-umaapaw-ang-blessings-masaya-at-nag-eenjoy-sa-business-at-investments

Read more...