Vivamax bombshell Rob Guinto sa mga nanghuhusga sa kanya bilang sexy star: Sabihin na nila lahat ng gusto nila…

Rob Guinto at Gab Lagman

HINDI na naaapektuhan ang palaban ding Vivamax sexy star na si Rob Guinto sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng mga haters sa social media.

Isa ngayon sa pinaka-busy na talent ng Viva Films si Rob na nagsunud-sunod ang proyekto ngayong 2022 kaya sa halip na patulan ang mga bashers, puro pasasalamat na lang ang ginagawa niya sa lahat ng natatanggap na blessings.


Isa sa mga nagmarkang pelikula ni Rob sa Vivamax ay ang “Virgin Forest” kung saan wala siyang keber na nag-frontal nudity. As in talagang nagtatakbo siya sa kagubatan nang hubo’t hubad.

At kung nabitin pa kayo sa ipinakita ng dalaga sa nasabing pelikula, siguradong mapapanganga na naman ang kanyang male fans sa “Bula” kung saan gaganap siyang girlfriend ng hunk actor na si Gab Lagman at makaka-love triangle pa nila ang isa pang palaban sa hubaran na si Ayanna Misola.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “Bula” natanong si Rob kung ano ang masasabi niya sa mga taong nangmamaliit at nanghuhusga sa mga tulad niyang sexy star.

“They can say anything they want, but I’m just thankful to Viva for giving me a second chance. Kasi the first time dinala ako sa kanila, hindi pa ako ready to go sexy, so tumanggi ako.

“I’m more of a model kasi. But during the pandemic, nawala lahat ng events that need models. So nawalan din ako ng income,” paliwanag ni Rob.


Dagdag pa ng dalaga, “Maraming umaasa sa akin. So, nang bigyan ako ng Viva ng another chance, malaki ang naging tulong noon sa akin at sa family ko.

“Dito talaga ako nabigyan ng sunud-sunod na projects and I’m just so thankful sa Viva para sa nagawa nila for me. Kaya kapag may project na ibinibigay sila sa akin, alangan namang mag-inarte pa ako,” diretsahan niyang sabi.

First time na nagpaka-daring si Gab Lagman sa pelikula kaya talagang inalalayan daw ni Rob ang binata sa kanilang mga sex scenes.

“Gentleman si Gab, sobrang mabait kaeksena at masayang kasama sa set. Nagtutulungan kami sa mga eksena, lalo na sa most challenging part sa climax ng movie na may patayang naganap.

“Siyempre, I cannot reveal the details dahil spoiler. But it was so challenging for me kasi very brutal ang execution. Madugo talaga, pero he was there para umalalay sa akin,” aniya pa.

Sana nga raw ay magkatrabaho sila uli ng binata, “Kasi very caring siya. Nang sumakit ang ulo ko sa shooting, he was so concerned at hinilut-hilot pa niya.

“During shooting breaks, nakakapagkuwentuhan kami tungkol sa mga buhay-buhay namin kaya naging mas comfortable kami sa isa’t isa sa challenging scenes na ipinagawa sa amin ni Direk Bobby Bonifacio,” sabi pa ni Rob.

Mapapanood na ang “Bula” sa Vivamax simula sa September 2. Makakasama rin nina Rob, Gab at Ayanna sa movie ang veteran character actor na si Mon Confiado.

https://bandera.inquirer.net/309840/payo-ni-gab-lagman-sa-mga-nabu-bully-sa-school-stand-up-for-yourself-always-ask-for-help
https://bandera.inquirer.net/317006/vivamax-bombshell-rob-guinto-walang-takot-na-ibinilad-ang-gubat-sa-virgin-forest-hindi-nagpatalbog-sa-pagpo-frontal-ni-sid-lucero
https://bandera.inquirer.net/307840/rob-guinto-angela-morena-josef-elizalde-nadala-nga-ba-sa-kanilang-love-scenes

Read more...