KAHIT anong pigil ang gawin ng Kapamilya young actress na si Belle Mariano, hindi pa rin niya nakontrol ang kanyang emosyon nang magpaalam na siya sa kanyang karakter sa hit Kapamilya series na “He’s Into Her.”
Ipinangako raw kasi niya sa sarili na hindi siya iiyak sa naganap na “He’s Into Her” farewell concert na ginanap sa Araneta Coliseum last Saturday, August 27.
Ito’y handog ng ABS-CBN sa lahat nga mga supporters at fans ng naturang serye na mula season 1 hanggang season 2 ay talagang sinubaybayan at hindi bumitaw sa programa.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagpasalamat nang bonggang-bongga si Belle sa fans nila ni Donny Pangilinan na walang sawang sumusuporta sa kanilang tambalan pati na sa kani-kanilang solo projects.
Nagbahagi ang young actress sa IG ng mga litrato nila ni Donny at ilang solo pictures kung saan nakasuot sila pareho ng toga para nga sa graduation theme ng concert.
“Minutes before I stepped out of the stage, I told myself I won’t cry— because last night was a celebration of all of our hard work and your support for the past 3 years,” simulang pahayag ni Belle sa kanyang caption.
Pero nang patugtugin na raw ang graduation song habang pumagitna siya sa stage, hindi na raw niya mapigilan ang maging emosyonal hanggang sa mapaluha na siyang tuluyan.
Bumabalik daw kasi sa isip niya ang lahat ng challenges na hinarap niya at ng buong cast at production ng “He’s Into Her” pati na siyempre ang tagumpay ng kanilang serye.
Nagbahagi rin si Belle ng mensahe para sa character niya sa “He’s Into Her” na si Maxpein, na aniya’y siyang pinakamatapang na character na nagawa niya bilang artista.
“I’m glad I got the honor to portray you. I’m grateful I get to live out your life even for a short time because you’ve taught me so much—how to value friendship and family, most especially love.
“You’ve taught me that even in the most difficult times in our life we will always get something out of it, there will always be beauty after all of it,” sabi ng dalaga.
Sabi pa ni Belle, tinuruan siya ni Maxpein na kung paano talaga ang magmahal ng totoo at kahit na medyo mahirap gampanan ang kanyang karakter, gagawin pa rin niya uli ito kung mabibigyan uli ng pagkakataon.
“With your journey I learned how to have stronger relationships, I’ve built my courage, I’ve learned how to stand up for what is right.
“Lastly, You’ve taught me na ‘Ang matapang umiiyak pero hindi nagpapasindak.’ You’ve shown us that even the bravest person, has their soft side too.. and that’s okay,” sey pa ng ka-loveteam ni Donny.
At para naman sa milyun-milyong DonBelle fans, pagkatapos ng “He’s Into Her”, sasabak na sina Belle at Donny sa second movie nila under ABS-CBN Productions, ang “An Inconvenient Love.”
https://bandera.inquirer.net/303996/ako-yung-tipo-ng-bata-na-laging-bida-bida-sa-family-reunion
https://bandera.inquirer.net/297379/belle-mariano-sinupalpal-ang-netizen-na-nagsabing-hindi-siya-maganda
https://bandera.inquirer.net/309274/donny-belle-totoong-totoo-ang-relasyon-magkasabay-na-nagma-mature-bilang-magka-loveteam
https://bandera.inquirer.net/303742/donny-inisa-isa-ang-mga-nagustuhan-sa-ka-loveteam-belle-and-i-are-in-a-happy-place-right-now