CONFIRMED! Si Kapuso comedienne at Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol nga ang magiging official candidate ng bansa sa 2nd Miss Planet International pageant.
Magaganap ito sa Kampala, Uganda sa darating na November 19, 2022, kung saan makakalaban ni Herlene ang iba pang mga kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang tumatayong national director sa Pilipinas ng Miss Planet International kaya naman si Herlene na ang napili niyang ilaban sa nasabing international beauty pageant.
Taong 2019 nang itatag ang Miss Planet International at hindi pa nga ito masyadong sikat sa mundo ng beauty pageant.
Ngayong taon, mahigit sa 70 kandidata ang rarampa sa Miss Planet International. Isa sa mga pangunahing adbokasiya ng pageant ay isulong ang edukasyon, kapayapaan at ihinto ang mga kaguluhan at kahirapan.
Sa Instagram account ng pageant, in-announce na ang pagkakapili kay Herlene bilang isa sa 40 kandidata ay ayon sa manager ng aktres, may pahintulot na ito ng Binibining Pilipinas Charities, Inc..
“We are glad to announce that Herlene Nicole Budol first runner-up of Binibining Pilipinas 2022 will represent The Philippines at the Miss Planet International 2022 pageant to be held on November 19th in Kampala, Uganda ‘The Pearl of Africa.’
“Candidates from all over the world will enjoy the beauty of Lake Victoria, world’s largest tropical lake, the most exuberant magic of the green of its nature that dominates Ugandan landscapes.
“Miss Planet International Organization’s mission is the compliance of the Sustainable Development Goals accepted by the United Nations members.
“We are to give the tools to our candidates to strengthen their social projects and make possible a necessary generational change in order to Save our Planet and Save Humanity on Earth.
“Each candidate will have the opportunity to propose the creation of the Sustainable Development Goal number 18. We will gather all the proposals and forward them to the United Nations office,” ang nakasaad sa IG post ng MPIO.
Reaksyon naman ni Herlene, “Naiiyak at nae-excite ako! Parang isang panaginip nga lang dahil para sa akin, isang malaking karangalan na nakatungtong ako sa national pageant at ngayon naman, isasabak na ako sa international level.”
Aniya pa, “May tatlong buwan pa rin akong preparasyon para lumaban ako sa Miss Planet International.
“Gagawin ko itong better version na makakapag-inspire sa mga kabataan because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission,” paniniguro pa ng komedyana.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Monique Best ng South Africa ang unang kinoronahang Miss Planet International sa ginanap na coronation night sa Koh Pich Theater sa Phnom Penh, Cambodia, noong March 1, 2019.
Ang bet ng Pilipinas na si Krizia Nicole Apao Vargas ang itinanghal na fourth runner-up.
Dalawang taong natigil ang pagsasagawa ng pageant nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.
https://bandera.inquirer.net/320819/herlene-budol-tuloy-ang-laban-sa-international-pageant-bobo-man-sa-inyong-paningin-pero-para-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/320317/herlene-budol-proud-binibini-kahit-walang-naiuwing-korona-at-titulo-naitaas-ko-ang-respeto-sa-mga-comedian
https://bandera.inquirer.net/320299/herlene-budol-ayaw-nang-sumali-sa-kahit-anong-beauty-pageant