Regine shookt din sa pagkatsugi ng 2 ‘Idol PH’ finalist: Alam ko maraming nagulat sa inyo, kami rin

Moira dela Torre, Gary Valenciano, Regine Velasquez at Chito Miranda

DIRETSAHANG inamin ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na tulad ng naramdaman ng mga manonood shookt din sila sa naging resulta ng tsugihan portion sa “Idol Philippines” kagabi.

Hindi inasahan ng mga “Idol” judges ang pagkakatanggal kina Misha De Leon at Nisha Bedaña sa naturang reality singing search ng ABS-CBN.

Hindi kasi umabot ang combined judges and audience scores ng dalawang contestants para makapasok sa Top 8.

Ang mga masusuwerteng napili para sa next round ng kumpetisyon ay sina Ann Raniel, Bryan Chong, Delly Cuales, Khimo Gumatay, Kice, PJ Fabia, Ryssi Avila, at Trisha Gomez.

Sa Twitter, nag-post si Regine ng kanyang saloobin tungkol sa pagkatsugi kina Misha at Nisha. Tweet ng Songbird, “Alam ko maraming nagulat sa inyo, kami rin. Sabi nga ni @chitomirandajr devastated kami.


“Pero ito talaga ang patunay na YOU guys have the power to choose who will be the next @idolphilippines so VOTE for your favourite. #goodNate,” aniya pa.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga Twitter followers sa mensahe ni Regine hinggil sa kontrobersyal na elimination round sa “Idol Philippines.”

“I think it would also help if the show can also show the percentage of judges scores, voting scores, and then the overall. It’s more transparent.”

“Pero dapat Ms. Reg 75% score manggagaling sa inyong mga judges. Dapat mas mabigat ang Say ninyo kesa voting. Kasi ang voting puwedeng Bias. Puwedeng mas madaming pera ang camp ng iba kesa sa mas deserving.”

“Eh di sana po wala na lamg judges. Popular votes na lang kahit di singer pwede rin iboto. Parang ganun eh.”

“It wouldve been better if the judges has the final say or has the more power or atleast kahit 70 na lang sa judge and 30 sa votes if gusto ng kita. What if nagkalat yung performer pero dahil maraming bumoto, natalo niya pa yung magaling that night?”

“Eh bakit kase pinili nyong mga judges yang mga singer na yan… tapos i elliminate nyo din paisa isa. tapos isasama nyo sa option ng viewers yung alam nyo ng hndi kagalingan? dapat sa una palang isang singer nlng punili nyo tas tapos na. db? hmmm tapos ang blame sa audience?”

“Honestly i don’t like sa pumasok sa top 8. Sana nman pag Idol yung datingan idol din para naman may benta. Sana sinama amg looks hindi lang dahil sa ganda ng boses. Sorry to say Pj doesn’t deserve kasi di sya marketable. Just my opinion.”

https://bandera.inquirer.net/313875/idol-philippines-muling-magbabalik-gary-valenciano-chito-miranda-bagong-judges-na-makakasama-nina-moira-at-regine

https://bandera.inquirer.net/317131/chito-sa-solid-na-samahan-ng-parokya-ni-edgar-sa-amin-music-is-secondary-barkada-lang-muna-kaming-lahat
https://bandera.inquirer.net/306958/jed-na-shock-nang-pusuan-ni-bts-rm-ang-kanyang-post-ang-init-ng-tenga-ko-at-nagpa-palpitate

https://bandera.inquirer.net/299534/dingdong-kay-marian-rivera-ikaw-ang-miss-universe-ng-buhay-ko

Read more...