Payo ni Jak Roberto sa mga in-love sa kanilang BFF: Ipagpatuloy n’yo lang ‘yung pagmamahal n’yo, isugal n’yo lang…

Jak Roberto

NAGMARKA nang bonggang-bongga ang karakter ng Kapuso hunk actor at tinaguriang Pambansang Abs na si Jak Roberto sa GMA series na “Bolera.”

Nagtapos na ito last Friday pero maraming manonood ang magre-request sa mga bossing ng network na sana’y magkaroon agad ito ng book 2 dahil bitin na bitin sila sa ending nito.

Hindi lang kasi ang bida na “Bolera” na si Kylie Padilla bilang si Joni ang talagang sinubaybayan at minahal ng Kapuso viewers kundi pati na rin ang role ni Jak bilang si Toypits.

In fairness, marami kasi ang nakaka-relate kay Toypits na na-in love sa kababata at bestfriend niyang si Joni.

Nu’ng una ay pilit pa niyang itinatago ang kanyang feelings sa kaibigan pero nang tumagal ay inilaban na rin niya ang kanyang nararamdaman.

Kaya naman nagbigay si Jak ng advice para sa lahat ng mga lalaking dumaraan din sa sitwasyon tilad ng kay Toypits. Naniniwala rin daw siya sa lovelife hugot na, “falling in love with your best friend is always worth the risk.”

Pahayag ng boyfriend ni Barbie Forteza, “Ipagpatuloy niyo lang ‘yung pagsuporta at pagmamahal niyo sa best friend niyo. Ipagpatuloy niyo lang.”

“Kahit anong mangyari, win-win situation ‘yan. Isugal niyo lang,” dagdag pang payo ng binata.
Sey pa niya, mas mabuti nang magpakatotoo at sumugal sa lovelife kesa pagsisihan sa huli na hindi mo man lang nasabi ang tunay mong nararamdaman.

Samantala, marami ring life lessons na natutunan si Jak sa kuwento ng kauna-unahang sports drama series ng GMA.

Feeling “blessed and thankful” daw ang aktor na napasama siya na matagumpay na serye ng GMA. Sa pamamagitan ng Instagram, nag-share si Jak ng ilang natutunan sa kanyang karakter.

“Toypits has taught me a lot of things. Tinuruan niya akong maging isang mabuting kaibigan. Na maging mapagmahal na anak at higit sa lahat, tinuruan niya akong magmahal nang walang hinihinging kapalit.

“Creating his character arc has been a great journey for me. He went from being the happy pill of Joni to being the ‘bakit ba hindi na lang ako?’ man for her hanggang dumating sa biggest turning point ng character ni Toypits when Roma died and he really changed after that.

“It’s very fulfilling as an actor to be able to turn a character into a real person na kinapitan ng audience.

“Nagpapasalamat ako sa buong team ng ‘Bolera’ for helping me do my job well. From the powerhouse cast to the best team, maraming salamat po.

“I am grateful to have been part of GMA’s very first sports serye, ‘Bolera.’ This has been Pepito Canlas a.k.a Toypits, signing off!” ang kabuuan ng inilagay niyang caption sa kanyang IG post.

https://bandera.inquirer.net/295711/jak-roberto-natakot-nang-ialok-sa-kanya-ang-never-say-goodbye-mabigyan-ko-kaya-siya-ng-hustisya
https://bandera.inquirer.net/295674/herlene-budol-may-ibinuking-tungkol-kay-jak-akala-ko-ano-siya-hindi-pala

https://bandera.inquirer.net/312385/kylie-padilla-inatake-ng-matinding-sepanx-matapos-magpaalam-sa-lock-in-taping-ng-bolera-i-was-heartbroken

https://bandera.inquirer.net/296773/wish-ni-herlene-budol-tinupad-ni-jak-roberto-makalipas-ang-4-na-taon

Read more...