Gary may ibinuking tungkol kay Julie Anne; hugot kung hugot sa ‘Di Ka Akin’

Gary Valenciano at Julie Anne San Jose

DREAM come true para kay Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ang maka-collab at maka-duet ang nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

Sa wakas, natupad na rin ang matagal nang wish ng Kapuso singer-actress na makapag-record ng kanta kasama ang kanyang idol pagdating sa kantahan at hatawang performance on stage.

Ang tinutukoy namin ay ang latest single ni Julie Anne na “Di Ka Akin” under Universal Records. This is pop ballad about closure and new beginnings. Ibig sabihin, hugot kung hugot na naman hinggil sa pakikipagrelasyon.

Pero paglilinaw ni Julie Anne sa naganap na virtual mediacon para sa launching ng “Di Ka Akin”, isinulat niya ang nasabing kanta na masaya ang kanyang puso at naka-recover na rin daw siya that time mula sa pagiging heartbroken.

Kaya naman ang reaksyon ni Gary, “It’s hard for Julie Anne now because her heart is in a really good place right now. You know. Her heart is in a good place with somebody I also love very much, Rayver,” sabi ng award-winning OPM icon na ang tinutukoy ay ang boyfriend ni Julie na si Rayver Cruz.


In fairness, puring-puri rin ni Gary ang kabaitan at ang mga talento ni Rayver bilang aktor, TV host at dancer. Nakasama na raw kasi niya ang binata sa isa niyang live concert.

Sabi naman ni Julie Anne tungkol sa naisulat niyang hugot song, “When I wrote the song, I wasn’t coming from a bad place e. Kumbaga, it was just like out there.

“Kasi when you’re trying to create something kasi, especially sa mga songwriters, writers, parang siyempre kailangan mong ilagay ang sarili sa isang scenario. Nangyayari talaga sa totoong buhay,” paliwanag pa ni Julie Anne.

Aniya pa, “When we recorded it, it became better kasi post break-up na siya. Walang label but, at the same time, may gusto ka pang sabihin sa kanya na hindi mo nasabi.”

Naikuwento naman ni Gary na matagal na raw niyang gustong maka-collab si Julie Anne dahil sa anak niyang direktor na si Paolo Valenciano, ang nagdirek ng musical trilogy special ni Julie Anne na “Limitless”.

“Paolo is very particular with who he works with. He would go, ‘Dad, you know should…nah, never mind. You’re Kapamilya, she’s Kapuso.’ It was always like that until I got to do an album under Universal Records called ‘Awit at Laro,'” pag-alala ni Gary.

Kasunod nito, ni-record ni Julie Anne ang “Pitik Bulag” para sa 2020 album na ipinrodyus ni Gary na ang layunin ay makapag-raise ng funds para sa UNICEF.

Patuloy na kuwento ni Gary patungkol sa kantang ini-record ni Julie Anne, “Ang pagkasabi sa akin, ang tinanong ko, ‘Sino gumawa ng mga backup vocals? Ah, Sir, si Julie Anne po nag-asikaso lahat niyan.’

“Sabi ko naman, ‘Seryoso ka?’ Siya nag-isip lahat niyan. So all the more, na naging, again, the feeling na, tama ito. Buti na lang naisali sa album,” sey pa ni Gary.

Samantala, bukod sa promo ng “Di Ka Akin” at sa pagiging regular host at performer sa “All-Out Sundays” ng GMA 7, nagsu-shooting na si Julie Anne para sa upcoming series niyang “Maria Clara At Ibarra” kasama sina Dennis Trillo at Barbie Forteza.

Kasama rin siya sa GMA Pinoy TV concert sa Los Angeles, California with Rayver, Dingdong Dantes, Ai Ai delas Alas and Lani Misalucha.

https://bandera.inquirer.net/310179/julie-anne-na-shock-nang-i-unfollow-ni-janine-sa-ig-basta-po-malinis-ang-aking-kunsensiya
https://bandera.inquirer.net/308803/wish-ng-fans-nina-julie-anne-at-rayver-sana-kayo-na-lang-sana-kayo-na-please
https://bandera.inquirer.net/287449/benben-tinupad-ang-pangarap-ng-sb19-nagsisimula-pa-lang-kami-talagang-idol-na-namin-sila

Read more...