Bakit nga ba nagdalawang isip si Carlo Aquino na tanggapin ang ‘Expensive Candy’?

Bakit nga ba nagdalawang isip si Carlo Aquino na tanggapin ang 'Expensive Candy'?
INAMIN ng aktor na si Carlo Aquino na nagkaroon siya ng pagdadalawang-isip kung tatanggapin nga ba niya ang proyektong “Expensive Candy”.

Chika niya, isa sa mga factor kung bakit pinag-isipan niyang mabuti ang paggawa sa naturang pelikula kung saan katambal niya si Julia Barretto ay ang kanyang anak.

Mismong ang direktor na si Jason Paul Laxamana ang nagkwento ng pagdadalawang isip ni Carlo.

Saad nito, personal choice daw talaga ang aktor para gampanan ang role niya sa “Expensinve Candy” ngunit masyado lang talaga siyang pogi raw para maging matandang teacher na virgin.

“Si Carlo ang kinakabahan nang i-present ang story. Nag-message siya sa akin sa Facebook, iba yung pangalan,” lahad ni Direk Paul.

“Unang tanong pa lang niya, na-sense ko na. Baka akala nito yung mga R-rated na movies. Sinabi ko sa kanya, mas malala pa yung ginawa mo sa Cinemalaya. Natawa siya. Hindi niya ine-expect na alam ko yung mga pelikula niya na ganoon,” pagpapatuloy pa ng direktor.

Hirit pa niya, “Bottomline, romance movie pa rin ang Expensive Candy na it just so happen na ganoon ang setting.”

Happy naman at feeling blessed si Carlo na napasama siya sa cast ng pelikula at nakatrabaho pa niya ang direktor pati na rin si Julia.

” Sinuwerte lang din dahil may pelikulang gagawin si Jason Paul Laxamana, napasama ako,” saad ng aktor.

Dagdag pa niya, “Tapos, ang leading lady si Julia Barretto. Very fortunate na makatrabaho ko siya. Magaan po siya katrabaho, very open at mapagbigay sa mga eksena.”

Lahad pa ni Carlo, akala raw niya ay hindi niya makaka-vibes ang dalaga dahil tahimik lang ito.

“Actually, nung first, akala ko hindi ko siya makaka-vibes kasi nga quiet lang si Julia, pero kalog din pala. Kalog na class. Class na dancing queen,” sey ng aktor.

Noon pa man daw ay kilala na ni Carlo si Julia, bata pa lamang ito kaya palaging pinapaala ni Direk JPL sa kanya na dapat may malisya dahil sa kanyang role.

“Dapat may desire at parang nagawa ko naman. Na-good take naman,” kwento ng aktor.

Related Chika:
Carlo sa posibleng pagbabalikan nila ni Trina: Kung anong ibigay ng universe, siyempre yun ang nakasulat sa palad natin!

Carlo Aquino hindi nawala ang pagmamahal kay Trina: Nanay siya ng anak ko

 

Read more...