Sali na sa Hapag Movement | Bandera

Sali na sa Hapag Movement

|August 26,2022
facebook
share this

Sali na sa Hapag Movement

- August 26, 2022 - 06:09 PM

Patuloy na nakararanas ng involuntary hunger o gutom ang milyon-milyong Pilipino, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Enero hanggang Marso ng 2022. Sabi sa survey, nasa 15.5 milyon ang nagsabing nakaranas sila ng involuntary hunger. Mas malala ito noong kasagsagan ng pandemya, kung saan maraming nawalan ng trabaho at nahirapan maghanap kung saan sila kukuha ng makakain. 

Gamit ang iyong Globe Rewards points at GCash, maaari kang makatulong na masolusyunan ang suliraning ito. Sa bawat pagbili ng Globe load o pagbayad ng buwanang Globe subscription, may katumbas itong Globe Rewards points na maaaring i-donate sa Hapag Movement.

Globe Hapag

Gamit ang teknolohiya, layon ng Globe na makatulong sa pamamagitan ng Hapag Movement, isang inisyatibong pinag-uugnay ang iba’t ibang organisasyon na nakatuon sa pagbibigay-lunas sa gutom at pagbibigay ng kabuhayan sa mga mahihirap na pamilya.

“Hinihikayat namin ang lahat na makibahagi sa programang ito. Kahit maliit na halaga ay malaking bagay na at malayo ang mararating para sa laban natin kontra gutom,” ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability at Corporate Communications Officer ng Globe.

Para sa mga donasyon, i-download lamang ang bagong GlobeOne App at maaaring i-donate ang iyong Globe Rewards points. Kahit na piso ay pwedeng i-donate. Sundan ang mga hakbang na ito:  

Maaari ring mag-donate gamit naman ang GCash. Sundin ang mga sumusunod na hakbang: 

Globe Hapag

Para malaman ang iba pang sustainability initiatives ng Globe, bisitahin ang 

https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability.html.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending