Lolit Solis niresbakan ng fans ni Bea: ‘Ipamukha pa na nalaos, kumulubot at lumaylay si Bea nang iwan ni Gerald? Sure ka, lola?’

Bea Alonzo at Lolit Solis

NAG-REACT ang fans ni Bea Alonzo sa patutsada ni Aling Lolit Solis na laos na siya, malaki ang bilbil at mukhang tita ni Alden Richards.

When it surfaced sa isang popular website, talagang idinipensa nila ang aktres mula sa akusasyon ni Aling Lolit. Talagang bash ang inabot ng talent manager.

“Juicekoday! Ipamukha pa na nalaos, tumanda, kumulubot, at lumaylay ang isang BEA ALONZO mula nang iwanan ng isang GERALD ANDERSON? Sure ka lola??? Tingnan mo ngang mabuti si Queen B. Laman sya at namamayagpag pa sa dami ng endorsements nito ng mga de kalidad na products at sikat na business establishments.


“May kaliwat-kanang tapings & guestings. Hirap mo na bang tanggapin Manay ang katotohanan? O baka siguro nabubulag ka na dahil sa kidney disease mo kaya hindi mo na maaninag ang alindog ni BEA, hahaha!” ang litanya ng isang Bea supporter.

“Kung LAOS na si BEA, hindi na yan pag-aaksayahang bigyan ng projects at endorsements…in your dreams, Matandang LOLIT.”

“Ano ginagawa ng camp ni Bea? Or even ng GMA? Si Anette Gozon minsan nagllike pa ng post ni Lolit. Di talaga nila kayang mapigilan? O baka naman scripted na lang din para pag-usapan? Wag naman.”

“No it’s not scripted. Matindi ang galit ni Manay Lolit kay Bea, since Bea asked her manager to pull out Many Lolit’s name and friends Salve Asis and Gorgy sa presscon ni Bea for Beautederm. Unfair na kay Bea ang ginagawa ni Manay Lolit, considering may sakit na sya at twice a week nag da dialysis.”

“Walang paki si Lolita eh halos umusok na pati tumbong nya sa galit kay B. d nga bat Bea lives run free in her mind!? kaawa awang may sakit hindi makompleto ang araw kung hindi makapangbash kay B.”

“Ayan na nga at nababash si manay LOLIT dahil sa pakikialam sa buhay personal ni BEA. Ang sakit isipin na pati ang malubhang karamdaman nya ay pinagpe-pyestahan ng dahil sa kanyang walang habas na pagi-insulto kay BEA. Imposibleng hindi apektado ang damdamin ng matandang ‘to.”

“Grabe naka catheter na sya at may kidney disease na ganyan padin manira kay Bea. Grabe ka lolit!”

https://bandera.inquirer.net/308890/lolit-solis-kay-bea-alonzo-siguro-masakit-pa-ring-ma-ghost-ng-isang-gerald-anderson
https://bandera.inquirer.net/309989/ogie-diaz-nag-react-sa-isyu-nina-lolit-at-bea-sa-edad-niyang-yun-nai-scratch-pa-yung-pangalan-niya
https://bandera.inquirer.net/317193/lolit-ayaw-tantanan-si-bea-ewan-ko-ba-kung-bakit-hindi-na-mukhang-fresh-at-yummy

Read more...