SUWERTE kay Krissy Achino ang taong 2022 dahil bukod sa pagiging content creator, magkakaroon na rin siya ngayon ng mga pelikula.
Isa si Krissy na kilalang impersonator ni Kris Aquino, sa mga lead stars ng horror-reality film na “Kuta” na nagsimula nang ipalabas sa ktx.ph last Monday, August 22, kasama sina Jelai Andres, Buboy Villar, Nico Locco at marami pang iba.
“Krissy, kasi since si Kris yung ini-impersonate ko. But my real name is Chino kaya yung my last name is Achino. It was really Willie Revillame na nagkabit ng Achino,” ang paliwanag ni Krissy sa kanyang screen name.
Chika ni Krissy nang makausap namin sa presscon ng “Kuta” kamakailan, maganda naman ang intensiyon niya sa panggagaya kay Kris pero naiisip na rin daw niya na pagpahingahin muna ang kanyang pag-i-impersonate sa TV host-actress dahil sa kundisyon nito ngayon.
“But, actually, naha-happy pa rinn ako kasi kahit wala siya sa mainstream or wala siya sa mga balita ngayon, or walang shows, kumbaga, nakikita pa rin nila si Kris. Kasi kahit saan nakikita rin ako. Ano, win-win siguro yun,” aniya.
Kung sakali mang itigil na muna niya ang panggagaya kay Kris, ano ang gusto niyang name, “Siguro I’ll cut the Achino na lang. Siguro ‘Krissy’ or ‘Tita Krissy’ if ever mag-rebrand po ako. Hindi pa rin totally. Pa-girl pa rin, yes.
“Ang hirap naman ang pangalan ko, Elizabeth. Total rebranding. Hahaha! Or Chloe. Baka hindi ninyo na ako makilala. Actually, may mga bago akong characters sa vlogs. Mga Aling Cely, kaso pang-digital kasi yun, e. Hindi ko nadadala pang-mainstream,” hirit ni Krissy.
Sa tanong kung ano ba ang pagkakaiba niya sa iba pang nag-i-impersonate kay Kris, “Okay (sabay buntong-hininga), close po ako kay Mama Sweet (John Lapus). Close rin ako kay Divine Tetay. I always say this kaya lang alam ko hindi sila mao-offend. I’m young. Ha-hahaha!”
“I’m young and I’m very happy and grateful that I had the privilege na ma-acknowledge po niya, personally, aside from all the impersonators,” sey ng vlogger.
Natanong din si Krissy kung naaapektuhan din ba siya ng mga basher ni Kris, “Actually, eto, open ako kasi, di ba, may elections? Pareho kaming may sinuportahan. Pareho kaming na-bash.
“Pero, kumbaga, kasama na yun sa work kaya hindi rin ako masyadong affected. Deadma. Pero of course, kapag nakakabasa ako ng bash tungkol sa kanya na medyo below-the-belt, nasa-sad din ako,” depensa ni Krissy.
Samantala, proud daw si Krissy sa role niya sa “Kuta”, “Sa Kuta po, I play as myself. And maganda yung naging flow ng kuwento because it’s authentic. Kumbaga, bagong flavor siya kasi yung mga reactions namin, totoo.
“Ibang character po ako sa Kuta. Malayo sa nakikita niyo. Pero hindi puwedeng i-reveal. Not as Krissy,” dagdag pa niya.
About naman sa lovelife, 2018 pa raw siya walang boyfriend, “It’s a choice and at the same time ano, may trusts issues kasi ako.”
Inamin din niya kung sino ang kanyang crush sa showbiz, “Number one si Donny Pangilinan. Di ba, ang guwapo kasi? Ang preference ko kasi more on bagets. I’m only 26 years old. Pero ang gusto ko po mas bagets sa akin. So, crush ko si Donny. Iyon yung top of line ko, si Donny.”
E, paano kung may makilala siya na kamukha ng ex-husband ni Kris Aquino na si James Yap? “Alam mo ang tawag diyan? Destiny. Ha-hahaha! Kasi, what are the chances na yung ginagaya ko, ang manligaw sa akin kamukha ng ex niya, di ba?
“Pero hindi ako tumitingin sa mukha. Kung talagang feeling ko meant for each other, why not? Kahit na maging kamukha pa ni James Yap,” sabi ni Krissy Achino.
https://bandera.inquirer.net/321945/krissy-achino-planong-itigil-muna-ang-panggagaya-kay-kris-sabi-niya-sa-akin-try-mo-ang-iba-create-different-characters
https://bandera.inquirer.net/283477/donny-proud-na-proud-sa-hes-into-her-pero-umaming-nape-pressure-dahil
https://bandera.inquirer.net/309151/donny-kay-belle-wala-rin-akong-nakikitang-ibang-gusto-o-makasama-kundi-siya