IYAK nang iyak ang Kapuso actress-TV host na si Carmina Villarroel sa naganap na birthday celebration niya sa “Sarap Di Ba?” last Saturday.
Super touched kasi ang celebrity mom sa naging message sa kanya ng kanyang kambal na anak at ng pinakamamahal niyang asawa na si Zoren Legaspi.
Sa nasabing special episode ng Kapuso weekly talk show, isa-isang nagbigay ng mensahe para kay Carmina sina Mavy, Cassy at Zoren para sa kanyang 47th birthday.
Pahayag ni Mavy sa kanyang mommy, “Happy birthday to my love at first sight, my first love.
“Kahit 21 years old na ako, ikaw pa rin ang number one sa puso ko, always. Ikaw ang number one girl sa buhay ko at ikaw ang priority ko forever.
“Gusto kong magpasalamat sa ‘yo for being the queen of the house and like what Cassy said, for being selfless. You choose others before yourself,” sabi ni Mavy.
At ang birthday wish ng Kapuso youngstar para kay Carmina na talagang ikinaiyak ng aktres, “Sana matupad yung pangarap ko this year, that you choose yourself this time before others because you deserve it.
“I’ll always say this, since I was a kid, until now, until forever na mommy, I love you for always, as long as I am living, my mommy you’ll be. I love you and happy birthday,” mensahe pa ni Mavy.
Samantala, winner din ang sweet message ni Zoren para sa kanyang wifey matapos niya itong kantahan ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”.
“Ang masasabi ko lang is huwag na huwag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa ‘yo.”
“Kahit ano’ng mangyari kasi kahit hanggang maputi na ang buhok natin, tayo pa rin magkasama. Relax ka lang, huwag kang masyadong nag-iisip,” sey pa ng aktor.
Biro pa niya sa asawa, “Basta lagi mo akong ibibili ng mga bags, mga sapatos, mga damit, happy birthday!”
https://bandera.inquirer.net/313733/carmina-sa-kambal-na-anak-di-ko-sinasabing-maging-perfect-kayo-pero-alam-nyo-na-siguro-kung-ano-ang-right-and-wrong
https://bandera.inquirer.net/284086/kathryn-nagpadala-rin-ng-pampaswerte-kay-rabiya-kahit-anong-mangyari-proud-kami-sa-yo
https://bandera.inquirer.net/305847/rica-peralejo-ikinumpara-sa-utang-ang-pagpapatawad-ganun-din-yung-mararamdaman-mong-sakit