John Arcilla ayaw na munang gumanap na kontrabida, dedma na sa bashers: Hindi na po ako naba-bother sa inyo

John Arcilla

KUNG siya raw ang masusunod, ayaw na munang gumanap na major-major kontrabida ang award-winning actor na si John Arcilla.

Mukhang may kinalaman nga ito sa mga panghaharas at death threats na natanggap niya nang dahil sa makatotohanang pagganap niya bilang kalaban ni Coco Martin sa “Ang Probinsyano.”

“Totally gusto kong gumawa nang hindi kontrabida as in totally 100%,” ang pahayag ng aktor sa panayam ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Ngunit sey ng premyadong aktor, na nagmarka bilang Renato Hipolito sa “Ang Probinsyano,” baka raw sa susunod niyang project ay kalaban pa rin ang role niya.

“Pinakaiusapan talaga ako kasi talagang ‘yun ang plano, ‘yung character ko. Kaya lang pumayag naman sila na I can be more playful doon sa character. Mas kakaiba kaysa kay Hipolito.

“Ang pinakagusto ko kasi sa istorya talaga is ‘yung wala naman talagang villain. Ang villain naman talaga ay ‘yung past ng tao, ‘yung history niya bakit siya naging ganu’n.


“Dahil sa mga human experiences niya at itong kuwento na ito na gagawin ko ay may pagkaganun. Kaya siya somehow naging option niya na manakit ng tao dahil nasaktan siya sa kanyang past. So somehow my human side,” lahad ng aktor.

Sabi naman ni John tungkol sa mga nananakot at nagbabanta sa kanyang buhay nang dahil sa pagganap na kontrabida sa nagtapos na serye ni Coco, “Doon sa mga bashers siguro, hindi ko naman kasi kayo mako-control kung mamba-bash kayo.

“Pero hindi kasi ako talaga naniniwala na ‘yung mga bashers, eh, hindi ako naniniwala sa kanila. Yung consistent na namba-bash, na hindi nakikinig sa explanation, hindi ako naniniwala na totoo sila.

“Dumating ako sa point na ‘yung bashers nakita ko, kaya sila namba-bash consistently kasi mayroong taon na nasa likod nila or binabayaran sila.

“‘Yung mga namba-bash kasi kahit paano ‘yung totoong tao ay nag-iisip ‘yan kahit konti, naninimbang ‘yan kahit konti. Pero ‘yung wala nang pagbabago, ‘yung sarado na, parang imposible. Kaya hindi na po ako naba-bother sa inyo,” sabi ng aktor.

Dagdag niya, “Naba-bother ako doon sa mga nagagalit sa character ko kasi hindi niyo ma-distinguish kung ano ang totoo at hindi. Nakakatakot po kayo bilang isang tao at nakakalungkot po na ganu’n kayo mag-isip. Mas nag-aalala po ako sa inyo kaysa sa akin.”

Naging emosyonal naman si John nang matanong tungkol sa pagpanaw ng bunsong kapatid dahil sa COVID-19.

“Itong nakaraan lang, matindi ‘yon. Ang dami kong nawalang kamag-anak at kaibigan. Sa family circle ko, ‘yung father ko, kuya ko at bunso.

“Ang masakit sa kapatid ko, siya ‘yung ini-expect ko na makakasama ko nang matagal kasi bunso ‘yan at saka sobrang mahal na mahal ko ‘yan. At nu’ng nangyari ‘yon ay nasa Ilocos ako (nasa lock-in taping),” pagbabalik-tanaw pa ni John.

https://bandera.inquirer.net/304236/john-arcilla-nag-ala-joshua-garcia-netizens-aliw-na-aliw
https://bandera.inquirer.net/286460/john-arcilla-namatayan-ng-10-mahal-sa-buhay-sa-loob-ng-1-taon-ngayong-panahon-ng-pandemya

https://bandera.inquirer.net/283071/sharon-game-na-game-gumanap-bilang-legal-wife-sa-pinoy-version-ng-doctor-foster

Read more...