MARAMING showbiz personalities ang nagbenta ng kanilang mga gamit noong kasagsagan ng pandemya para may pangtawid sa araw-araw na gastusin.
Ang entertainment industry ang pinakanaapektuhan dahil sa COVID-19 pandemic kaya kung wala kang naitabi tiyak na gutom ang aabutin mo.
Sa tsikahan nina Nanay Cristy Fermin at Morly Alinio kasama si Wendell Alvarez as guest co-host ay pinangalanan nila ang mga personalidad na nagbenta ng mga gamit.
Sabi ni ‘Nay Cristy, “Si Jay Manalo! Si Jay Manalo kasi nu’ng kasagsagan ng dami ng ginagawang proyekto, inuuna muna ‘yung kotse niya pinalalagyan ng ilaw ‘yung ilalim akala mo flying saucer (na).”
Patuloy ni ‘Nay Cristy, “Sobra si Jay pagdating sa kotse kasi kung baga sa lalaki ‘yun ang kanyang regalo sa sarili. Pupunta siya ng shooting (o) taping, maayos ang sasakyan at maiintidihan natin ‘yun.
“Mga cellphone na ang dami-dami hindi naman niya nagagamit (lahat), mga gadgets na hindi nagagamit. Nu’ng panahon ng pandemic kinailangan niyang i-out ‘yun.
“Totoong-totoo po ito mga kachicka para makaahon po tayo sa kagipitan kailangan nating magtanggal, mag-aalis po tayo ng mga gamit na hindi naman natin pinakikinabangan.
“Yung pinagbilhan no’n, ‘yun ang magdudugtong no’n sa dulo at dulo para tayo ay makaraos,” ani Nay Cristy.
Tsika naman ni Wendell ay si Rufa Mae Quinto na maraming naipong branded bags ay nagbenta rin.
“Si Rufa Mae nu’ng panahon ng kasikatan at kabi-kabila mga project niya talagang nagpasasa naman siya nang husto na bumili siya kung ano ang kailangan niya at kung ano ang gusto niya mga mamahaling bags.
“Tapos di ba, pinagawan niya ang lola niya ng bahay doon sa Pampanga at tinupad niya ‘yun pero nu’ng tumama na ang pandemic nag-umpisa na siyang magbenta,” sabi pa.
Dagdag ni ‘Nay Cristy, “Nagbenta na siya ng mga bag.”
“Yes, pati branded shoes, ‘yung mga inipon niya noon,” sabi pa ni Wendell.
“Alam n’yo sa totoo lang, okay lang. Alangan namang pag nagutom ka, ilaga mo ‘yung bag mo o kaya isigang mo ‘yung sapatos mo. So, talaga ‘yung hindi mo nagagamit ng sabay-sabay, i-out mo na, ibenta mo na,” diin ng beteranang manunulat.
Dagdag pa, “Saka nu’ng pandemya hanggang ngayon naman ay pandemya ang nagturo sa atin na ang buhay ay napakaiksi na wala pala tayong dapat na itutok na pagpapahalaga sa mga granatsa (materyal na bagay). Yung importante lang pala para sa araw-araw nating kabuhayan ang dapat nating itabi.”
Nabanggit din si Anjo Yllana na halos wala na raw laman ang bahay dahil nabenta ang mga gamit.
Nawalan daw ng regular show si Anjo dahil pumunta ng Bicol para kumandidadong kongresman pero hindi natuloy dahil nag-away sila ng kapatid niyang si Paranaque City Councilor Jomari Yllana tungkol sa budget nito sa kandidatura.
Say ni Wendell, “Nagbenta na siya (Anjo) ng kanyang mga ari-arian mabuti na lang mayroon siyang naibenta at ‘yung kanyang bahay ngayon wala nang laman naubos na.”
Katwiran naman ni ‘Nay Cristy, “Ganu’n talaga kapag matumal ang trabaho at wala ka ng maasahan ay wala kang dapat gawin kundi maglabas ka ng mga gamit na hindi mo pinakikinabangan.”
Ang ibinuking naman ni Morly ay ang dancer-actor na si Mark Herras na napakaraming collection ng branded shoes na ayon kay ‘Nay Cristy ay mahilig din sa mamahalin.
Sabi ni Morly, “Parang happy go lucky siya. Kapag meron siya ngayong kita iisipin niya na uubusin niya ngayong maghapon dahil mayroon naman siyang bukas.”
Nagbalik-tanaw tuloy na kaya nagkaroon ng isyu noon si Mark sa manager niyang si Manay Lolit Solis ay dahil nangutang siya ng pambili ng gatas at diaper bagay na inalmahan ng huli dahil bakit kinailangang mangutang ng aktor, wala ba itong naitabi na dahilan kaya nagkahiwalay na sila as talent at manager.
Kaya ang payo ni Nanay Cristy sa mga malalakas kumita, “Kapag kumikita, isubi. Bumili lang ng sapat huwag makipagkumpetisyon. May kumpetisyon sa mga stars.”
https://bandera.inquirer.net/284968/showbiz-couple-napilitan-nang-magbenta-ng-mga-gamit-dahil-sa-pandemya
https://bandera.inquirer.net/291806/ogie-napamura-nang-ibenta-ng-anak-ang-mamahaling-gamit-sa-fb-live-selling
https://bandera.inquirer.net/288735/bl-actor-na-mahilig-mag-post-ng-mamahaling-gamit-sa-socmed-dyowa-ng-mayamang-beki