Hugot ni Juday sa sibuyas: Dati kailangan ka munang hiwain bago maluha, ngayon iniisip pa lang kita, naiiyak na ‘ko sa presyo mo!

Judy Ann Santos

IN fairness, super relate na relate kami sa bagong hugot ng Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos-Agoncillo tungkol sa presyo ngayon ng sibuyas.

Grabe! As in grabe! Imagine, isang piraso lang ng onion ngayon ay tumataginting na P12 hanggang P15 na ang halaga!? Anyare? Nasaan ang katarungan? Ha-hahaha!

Sure na sure kami na lahat ng nanay at yung mga regular na namamalengke ay na-shock din sa napakamahal na presyo ngayon ng sibuyas na umaabot nga sa mahigit P500 per kilo.

Tulad nga ni Juday, shookt din ang Kapamilya actress at TV host sa halaga ng nabili niyang sibuyas kaya naman talagang ipinost pa niya ito sa kanyang Instagram Story.

Makikita sa ibinahagi niyang litrato ang isang supot ng sibuyas na kanyang yakap-yakap. Aniya sa caption, “Sibuyas na puti! Nakakaloka ka!

“Dati kelangan ka munang hiwain bago maluha… ngayon, iniisip pa lang kita, naiiyak na ‘ko sa presyo mo!” ang nakakalokang hugot ng misis ni Ryan Agoncillo.


Hirit pa niya sabay hugs sa puting sibuyas, “Pero dahil kelangan kita… kesa mas kailangan mo ako, huhug kita at nanamnamin kita bago kita iluto… importanteng namnamin ka bilang 550 ka per kilo. Kalerks!”

Kaya naman ang tanong ng mga netizens, ano kaya ang ginagawa ngayon ng pamahalaan para mapababa muli ang halaga ng “nakakaiyak” na sibuyas.

Hindi lang ang issue ng mahal na presyo ng red and white onion ang idinadaing ng mga Filipino ngayon kundi pati na rin ang patuloy na pagtaas ng halaga ng asukal.

Jusko! Sabi nga namin, kailangang matuto na tayong maggisa ng walang sibuyas para makatipid lang. Ha-hahaha!

Kayo ba dear BANDERA readers, anong masasabi n’yo sa sobrang mahal ng onion? Keri n’yo bang magluto ng ulam kahit walang sibuyas?

https://bandera.inquirer.net/318104/judy-ann-santos-tigil-muna-sa-pagba-vlog-dahil-sa-pagtaas-ng-bilihin-ayokong-hindi-maka-relate-yung-viewers

https://bandera.inquirer.net/305154/judy-ann-masaya-sa-covid-19-vaccine-experience-ng-mga-anak-all-in-kami

https://bandera.inquirer.net/316478/juday-sa-pagiging-host-ng-magandang-buhay-nakakaloka-kinakabahan-ako-ano-ba-yan

Read more...