Loisa Andalio sumusumpang walang ipinaretoke sa mukha’t katawan: ‘Your body, your rules… Ayun lang po’

Loisa Andalio

HINDI na nakapagpigil ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio sa mga naglalabasang chika na isa rin daw siyang babaeng “retokada.”

Sumusumpa ang girlfriend ni Ronnie Alonte na wala siyang ipinagawa sa kanyang mukha at lahat daw ng nakikita ng madlang pipol sa kanyang mukha at katawan ay natural at totoong-totoo.

Nag-post si Loisa sa kanyang social media account ng kanyang litrato kalakip ang mensahe na hindi siya produkto ng anumang uri ng retoke o cosmetic enhancement.


Sey pa ng “Love in 40 Days” lead star, kailangan na niyang magsalita tungkol sa naturang tsismis dahil napakarami nang nagtatanong sa kanya.

Aniya, ni isang bahagi ng kanyang katawan ay hindi nagalaw ng sensiya pero agad niyang nilinaw na wala siyang issue sa mga taong sumasailalim sa cosmetic enhancement.

“Ang dami ko po nababasang comment, at hindi rin rin ako mahilig sumagot sa ganito pero gusto ko lang po linawin na wala po akong retoke kahit .1% at wala rin po akong balak.

“Hindi rin po ako against sa mga nagpa-enhance… your body, your rules. Ayun lang pa,” pahayag ni Loisa.

Sandamakmak na comments ang natanggap ng socmed post na ito ng dalaga mula sa kanyang fans at halos lahat ay nagpatotoo na hindi nagparetoke ever si Loisa. Naglabas pa nga ng ebidensiya ang ilan sa mga netizens kabilang na riyan ang pictures ng dalaga noong naging teen housemate sa “Pinoy Big Brother.”

“It’s obvious na natural beauty at wala kang retoke… sa mga nakasubaybay sa’yo mula PBB alam na alam namin ‘yan.”

“Yan ang maganda walang halong çhemical kaya MARAMING naiinggit.”

“Loisa Andalio yun ang nagustuhan ko sa’yo kaya idol na idol kita. Purong natural walang halong chemical. Napakasimple pero ang lakas ng dating.”

“Been supporting and following Loisa since PBB, isa sa nabaliw sa Loishua before, kaya no doubt super sure na walang nagbago sa features niya.”

“Ganda sobra. diyosa sana magbalik marimar ikaw maging bida at c r2 bagay sa inyo.”

Yan ay ilan lamang sa mga reaksyon ng fans ni Loida hinggil sa nasabing isyu.

https://bandera.inquirer.net/314706/loisa-andalio-muntik-nang-layasan-ang-showbiz-pasuko-na-ako-feeling-ko-wala-nang-nagmamahal-sa-akin

https://bandera.inquirer.net/314299/wala-na-kaming-paki-ni-loisa-sa-sinasabi-ng-ibang-tao-sa-amin-basta-masaya-kaming-dalawa
https://bandera.inquirer.net/314006/ayaw-pa-naming-isipin-ni-ronnie-yung-tungkol-sa-engagement-kasi-ang-babata-pa-po-namin

Read more...