Sharon Cuneta napakasakit ng iyak habang kumakanta sa pa-tribute ng ‘ASAP’ para kay Cherie Gil

Cherie Gil, Zsa Zsa Padilla, Sharon Cuneta at Regine Velasquez

NAPAKASAKIT ng iyak ni Megastar Sharon Cuneta habang kumakanta sa pa-tribute ng “ASAP Natin ‘To” para sa yumaong aktres na si Cherie Gil.

Tuluy-tuloy ang pagluha ng premyadong singer-actress at TV host nang bigyang-pugay kahapon, August 21, ang veteran actress at tinaguriang La Primera Contravida.

Ramdam na ramdam ng mga manonood na talagang apektado si Shawie sa pagkamatay ng kaibigan na umaming wasak na wasak pa rin ang puso sa kanyant pagluluksa.

Sa nasabing special segment ng “ASAP” kinanta nina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla ang “Sana’y Wala Nang Wakas” kasunod ang “Bituing Walang Ninging” kung saan nakasama na nila si Mega.

Itinuturing nang iconic film ang “Bituing Walang Ninging” na pinagbidahan nina Sharon at Cherie kung saan binitawan ng magaling na kontrabida ang classic dialogue na, “You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat.”


Sa panayam sa kanya nina Regine at Zsa Zsa pagkatapos ng kanilang production number, sinabi ni Mega na parang namatay din ang malaking bahagi ng kanyang puso sa pagkawala ni Cherie.

“There’s only one Cherie Gil, and I feel like half of my history has been erased and also a big part of my heart has died because we loved each other so much,” pahayag ni Shawie.

Dugtong pa ng movie icon, “Thank you for your contribution to the film industry here. An era has ended because you’re gone too soon. I miss you and I will never allow this country to forget you.”

Sabi pa ng Megastar, idol na niya si Cherie Gil noong nag-aaral pa lang sila sa grade school hanggang sa pasukin na nga nila ang showbiz at naging magkatrabaho sa napakaraming pelikula.

“I really feel like she was a big part of my career,” aniya pa.

Nauna rito sinabi nga ni Sharon na napakahirap tanggapin na wala na ang kanyang kaibigan, “Still cannot imagine the coming days, years without you…Too much of this unexpected, unacceptable, inexplicable stabbing pain in my heart…Love you forever and ever and ever and ever.”

Naikuwento rin ni Mega sa isa niyang IG post na nakasama niya si Cherie sa New York sa mga huling oras nito sa mundo.

“I flew to New York early yesterday with a heavy heart, still forcing it to hang on to that sliver of hope of God performing a miracle and allowing you to pull through this.

“I am eternally grateful to Him for giving us the few hours we spent together… the love and words yet again exchanged in person. The knowledge that the friendship forged when we were very young was stronger and would only keep getting so,” aniya pa.

Sumakabilang-buhay noong August 5 si Cherir Gil sa edad na 59 matapos makipaglaban sa sakit na cancer.

https://bandera.inquirer.net/303996/ako-yung-tipo-ng-bata-na-laging-bida-bida-sa-family-reunion

https://bandera.inquirer.net/291508/sharon-may-pa-tribute-sa-b-day-ni-kiko-i-love-you-even-if-were-best-frenemies-with-all-my-wawa-heart
https://bandera.inquirer.net/318667/sarah-g-sure-na-sure-na-ang-pagbabalik-asap-twitter-account-ni-ruffa-naka-private-na-para-iwas-bashers

Read more...