Michelle Madrigal may bagong idine-date: I don’t want to put any label dahil hindi naman importante ‘yun

Michelle Madrigal

HINDI na mahalaga para sa aktres at celebrity mom na si Michelle Madrigal ang paglalagay ng label sa isang relasyon.

Isa raw yan sa mga natutunan niya sa pakikipagrelasyon dahil naniniwala siya na kapag nagkakaintindihan at nagmamahalan ang dalawang tao hindi naman issue kung may label ba ito o wala.

Kinumpirma ni Michelle sa kanyang mga social media followers na may idine-date raw siyang bagong guy ngayon pero hindi niya ibinandera ang identity nito.

Sa pamamagitan ng kanyang “life update vlog” sa YouTube, sinagot na ni Michelle ang lahat ng nagtatanong sa kanya kung sino ba ang lalaking kasama niya sa litratong ipinost niya sa Instagram story.

“I recently posted someone that I started dating. I was already casually dating before but I never posted anybody because I was also not emotionally available,” pag-amin ng aktres.

Dagdag niyang chika, “I started seeing someone recently… I think we’re in a very good place.

“I don’t want to put any label dahil hindi naman importante ‘yun. We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page,” sey pa niya.


Inamin din ni Michelle na ang lalaking idine-date niya ngayon ay divorced na rin kaya talagang nagkakaintindihan sila sa ilang bagay na may konek sa pakikipagrelasyon at sa issue ng divorce.

“He’s also divorced, he got kids, so I think it was just a good, I would say, match sa lifestyle ko and sa lifestyle niya,” aniya pa.

Noong 2021, ibinalita ni Michelle sa madlang pipol na naghiwalay na sila ni Troy Woolfolk at nasa pangangalaga niya ang kanilang nag-iisang anak na si Anika.

Sa isa niyang IG post matapos ang breakup nila ng ex-husband ay nabanggit ni Michelle ang tungkol sa mga qualities na hinahanap niya ngayon sa isang lalaki, “I am looking for a life partner, we’ll see how it goes.”

https://bandera.inquirer.net/313277/ruffa-hindi-nagmamadali-sa-love-life-malay-mo-ending-ko-pinoy-naman-talaga

https://bandera.inquirer.net/305001/maris-rico-pabor-sa-paglalagay-ng-label-sa-relasyon-tama-lang-na-alam-nyo-kung-mag-ano-kayo
https://bandera.inquirer.net/312660/rochelle-pangilinan-nanindigan-sa-kanyang-kandidato-isa-rin-siyang-ina-gaya-ko

Read more...