Vice Ganda gumamit ng ‘bad dog’ para pangaralan si Angeline: Bilang nanay, ayan ang dapat mong matutunan

Angeline Quinto at Vice Ganda

KALOKA ang challenge na ginawa ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa kanyang mga kasamahan sa noontime show.

May nagregalo kasi ng electronic na bad dog kay Vice. Ang dapat gawin ng sasali sa challenge ay kukuha ito ng bones in 10 seconds.

May nagregalo kasi ng electronic na bad dog kay Vice. Ang dapat gawin ng sasali sa challenge ay kukuha ito ng bones in 10 seconds.

Ang catch, dapat hindi ito masakmal ng dog. May premyong P5,000 ang makaka-complete sa challenge.
Unang nag-try si Ryan Bang na gulat na gulat nang sakmalin siya ng bad dog. Pangalawa si Ion Perez na pumalpak din.

Si Kim Chiu ang sumunod and as expected, hindi pa nga siya nakakakuha ng bone ay sinakmal na siya ng dog.

And then came Angeline Quinto na siyempre ay nabigla nang sakmalain din siya ng bad dog.

May hugot si Vice kay Angeline, “Bilang nanay, ayan ang dapat mong matutunan, Angeline. ‘Yung mag-control ng mga emoesyon mo.


“Kasi minsan, yung bata, yung mga nanay, hindi nila makontrol ‘yung reaction nila. Napapalo nila ang anak nila, napapagalitan kasi nga hindi sila handa doon sa sitwasyon.

“So, ito ang magandang exercise para ma-train at makontrol ang reaction mo para hindi ka mapahamak.

“Ngayon na alam mo na ang sitwasyon, kaya mo bang kontrolin ang reaction mo?” say ni Vice.

Binigyan ng comedian ng second chance si Angeline pero hindi pa rin nito nagawa ang challenge dahil sinakmal uli siya ng bad dog.

Ang huling nag-take ng challenge ay si Ate Girl Jackie na as expected ay nabigla rin nang sakmalin siya ng bad dog.

https://bandera.inquirer.net/281218/angeline-nahawa-ng-covid-sa-taong-nakasabay-sa-pagkain-siguro-napabayaan-ko-rin-ang-sarili-ko

https://bandera.inquirer.net/307820/angeline-quinto-nasasaktan-sa-tuwing-bina-bash-ang-partner-hindi-nyo-naman-alam-ang-pinagdaanan-namin
https://bandera.inquirer.net/318160/pokwang-ipinagtanggol-ng-netizen-sa-spelling-ng-iodine-ayun-naman-pala

Read more...