Samahan ng mga negosyanteng Filipino-Chinese itinangging pinilit sila ni Imee Marcos na bumili ng ‘Maid In Malacañang’ tickets

Vic del Rosario, Imee Marcos at Darryl Yap

MARIING pinabulaanan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) ang chikang pinilit ni Sen. Imee Marcos ang grupo na bumili ng sandamakmak na passes at tickets para sa “Maid In Malacañang”.

Nagpaliwanag hinggil sa kontrobersyang ito ang FFCCCII President na si Dr. Henry Lim Bon Liong kung saan itinanggi nga nito ang mga naglalabasang balita hinggil sa pagbili at pamimigay daw nila ng “Maid In Malacañang” passes sa publiko.

“Ang federation naman, every month, ang dami naming natatanggap na letters, solicitation or whatever,” ayon sa panayam kay Dr. Henry nitong Biyernes, August 19, sa Kamuning Bakery sa Judge Jimenez St., Quezon City.


Aniya pa, “Being a business organization, Filipino Chinese Chambers of Commerce, siyempre pinagbibigyan namin, ‘no?

“E, karamihan naman, para naman sa charity organizations ito, e. Kaya ang natanggap namin, ito para sa nutribun project para sa mga mahihirap.

“So, binigyan namin ng okay na ito. Kasi siyempre, sa dami ng mga tiket ng Maid In Malacañang, inisip namin kung saan ibibigay ang mga ticket na ito. Unang-una, akala namin, comedy lang ito, di ba? Kasi, Maid In Malacañang, di ba?

“At dahil comedy, dapat sa mga kabataan ito. So, ibinigay namin sa mga eskuwelahan, sa mga kabataan, sa mga estudyante.

“E, ito naman, ewan ko lang, bakit ginawan ng malaking isyu ito. Actually, ang mga eskuwelahan, kung ayaw naman nilang tanggapin, okay lang naman sila.

Henry Lim Bon Liong at Wilson Lee Flores kasama ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd

“Di ba? ‘Sorry, hindi namin tatanggapin ‘to.’ Pero ito, naging isyu. Isang eskuwelahan, kinunan ng litrato ang mga ticket, tapos nakalabas sa social media.

“Binibigyan namin sila na ano, meron din kaming statement dito, na wala kaming intensiyon na masama para sa mga kabataan natin. Alam mo, after nangyari yun, lalong lumakas ang ticket. Ang daming tumatawag sa federation, humihingi,” aniya pa.

Sabi naman ni Wilson Lee Flores, ang may-ari ng Kamuning Bakery, “Pati government official, humihingi! Hindi naman ganyan kadami!”

Sagot ni Dr. Henry, “Oo, kaya nagkaubus-ubos ang tiket. Kaya ito, parang naging blessing-in-disguise ito. Pero this is just to say that the federation is always apolitical. Wala kaming inaano na…never makikita ang federation na nag-e-endorse ng isang pulitiko or whatever.

“Basta whoever would be the administration party, talagang wholeheartedly we are committed to support,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/320071/imee-marcos-nagmana-sa-amang-si-ferdinand-marcos-sr-tinawag-na-maid-in-malacanang

https://bandera.inquirer.net/320171/pagbibigay-ng-libreng-tickets-sa-mga-estudyante-para-sa-maid-in-malacaang-fake-news-mukhang-pera-po-ang-ating-direktor
https://bandera.inquirer.net/319168/darryl-yap-may-3-eksenang-pinutol-sa-maid-in-malacaang-ok-lang-yung-napapagalitan-ako-wag-lang-mademanda

Read more...