Thor Dulay sumailalim sa operasyon: Nagkaroon ng maraming cyst ‘yung aking vocal folds, saka polyp

Thor Dulay

SUMAILALIM sa operasyon ang singer-vocal coach na si Thor Dulay nitong nagdaang Biyernes, Agosto 19.
Ibinahagi niya ito sa madlang pipol sa pamamagitan ng social media kung saan inamin ng singer ang pagkakaroon ng mga cyst sa kanyang vocal folds.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi na siya nakakakanta nang maayos. Kaya naman nagdesisyon na siyang magpagamot at magpaopera.

“Doon po sa mga nagtatanong kung ano po ang nangyari sa akin, nagkaroon po ng maraming cyst ‘yung right side ng aking vocal folds, saka polyp.

“So ‘yon ‘yung reason kung bakit hindi na ako nakakapag-livestream at hindi na ako nakakapag-show, kasi hindi na po ako nakakakanta,” pahayag ni Thor sa kanyang TikTok video.

Kuwento pa niya, “Dapat ini-schedule na ako for surgery ngayon, ngayong araw na ito 11 a.m. … Ang problema, nagkaroon ng bagong problema, nag-COVID positive ako. So ayon.

“So mare-resched po ang ating surgery next week August 19 (last Friday nga). Birthday pa ng nanay ko ‘yan. So ayon salamat sa prayers. Salamat sa mga nag-message, sorry ‘di ko kayo nasagot agad.


“Pray lang tayo na sana matapos na ito. … Salamat sa mga prayers, wala talagang ganito tanggapin na lang when it rain, it pours, ganun talaga,” lahad pa ni Thor.

Sa kanya namang Instagram account nitong Biyernes ng umaga, ibinahagi niya ang kanyang litrato sa loob ng ospital kung saan siya ooperahan, “Let’s go!!!”

At sa sumunod na niyang IG post, nagbigay agad siya ng update sa pinagdaanang surgery. Aniya sa caption, “One step at a time….Natanggal na yung major na problema, kayang kaya na for sure yung iba.

“Maraming salamat sa lahat ng nagdadal at nagsend ng message…Love you all! Thank you LORD! #SuccessfulSurgery,” sabi pa ng singer.

Naging contestant noong 2013 sa “The Voice of the Philippines” si Thor kung saan napanganga ang mga coach at televiewers nang kantahin niya ang “I Have Nothing” ni Whitney Houston sa Blind Audition kung saan ang pinili niyang maging coach ay si Apl.de.ap..

Taong 2019 naman nang maging finalist siya sa “Tawag ng Tanghalan: Celebrity Champions” ng “It’s Showtime.”

https://bandera.inquirer.net/319389/morissette-amon-napabilib-ang-vocal-coach-na-si-tara-simon-sa-pagkanta-ng-gusto-ko-nang-bumitaw
https://bandera.inquirer.net/315919/denise-laurel-tanggal-na-ang-cyst-sa-likod-ng-ulo-im-excited-to-finally-get-better-sleep

https://bandera.inquirer.net/286035/p79k-electric-bill-ng-team-kramer-kada-buwan-bumaba-na-the-clash-3-champ-pinuri-ng-hollywood-vocal-coach

Read more...