RR Enriquez binawi ang paghusga kay Jane bilang Darna: Nakikita ko na sa kanya si Wonder Woman, Gal Gadot lang ang peg!

RR Enriquez at Jane de Leon

TOTOO talaga ang kasabihang “don’t judge the book by it’s cover” dahil marami na ang makapagpapatunay dito.

Tulad ni Jane de Leon na halos lahat yata ay nagsabing “hindi siya bagay maging Darna dahil hindi kilala at walang dating kung ikukumpara sa ibang nagsiganap na.”

May punto rin naman talaga kasi nga sa lahat ng gumanap na Darna ay si Jane lang ang masasabing hindi pa kasikatan kung ikukumpara kay Angel Locsin na ginampanan ang nasabing karakter noong 2005. Nauna na siyang nakilala sa “Mulawin” taong 2004.

Si Jane ay napanood noon sa “Halik” na hindi pa masyadong markado, mga TV guestings. Pero nagmarka naman siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” pero at that time na pumasok siya sa aksyon serye ni Coco Martin ay na-anunsyo na siya ang napiling gumanap na Darna pagkatapos itong tanggihan na ni Liza Soberano.

Anyway, sa paglipad ni Jane bilang si Darna nitong Biyernes ay pinatunayan niya sa lahat ng nagsabing “wala siyang dating at hindi bagay” na may karapatan din siyang gampanan ang iconic Pinay superhero.


Kaya naman iyak anng iyak ang mama niya nang mapanood na siya bilang si Darna na ipinost ni Jane sa kanyang Instagram story nitong Biyernes ng gabi.

Samantala, ang isa pang humanga kay Jane bilang Darna ay ang social media influencer na sawsawera at negosyanteng si RR Enriquez na nu’ng una ay nagsabi rin siyang feeling niya ay hindi bagay ang nasabing role.

Sa kanyang IG account ay umaming napahanga siya ni Jane at nasambit niya na alam na niya kung bakit siya ang napiling Darna ng 2022. Ipinost ni RR ang poster ni Jane na naka-costume na as Darna.

“Agang sawsaw. Kagabi ko pa ito kinompose kaso nakatulog ako kakaisip ng isusulat.
Gravity ‘yung effect ng comment ko as a SawsaweRRa Queen kay Darna. Dami nag aabang ng comment ko.

“‘Yung iba talagang mahina lang ang IQ na akala mo once you gave your opinion or comments akala nila hater ka na. But anyways since some of you wants me to sawsaw kahit busy ako sa vacation gogogo.

“In fairness sexy po s’ya, pinanood ko din ‘yung video pero mga clips pa lang. Sexy po ng dating nya but not oozing… (Good criticism ito ha)

“I think what I will say next is still a compliment. Hindi sya yung tipo na pag nanasaan mo dahil napaka-inosente ng dating nya

“Hindi katulad ng dating nila Angel and Marian na pagnanasaan mo agad. Yung makakaubos ka ng madaming tissue CHAROT.

“Parang gets ko na why she was chosen as Darna. Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (wonder woman in her) Hindi din sya pa super sexy di ba?

“So that’s what I saw with Jane.. Pinatunayan nya na hindi kailangan maging super pa-sexy to prove that you’re sexy Darna na pinagpapantasyahan because of your body.

“Siguro nasanay kasi ako na kapag Darna pina-fantasize agad (marami kasing maniac sa Pinas isa na ako dun) CHAROT.

“But sa character na nakita ko parang na-gets ko na they wanted to show us na hindi lang pang sex symbol, sexy fantasize si new Darna. You can love her and focused on her other characteristics…. A strong define classy young empowered DARNA!

“One thing, I noticed also pina-package s’ya as Darna pero hindi pang FHM or Maxim or Playboy where people can fantasize you.. Pansinin n’yo Metro Mag sy’a lumabas because her beauty is not for any sexy magazine… Pang high class packaging.

“Maganda po ang packaging n’ya so gets ko na po si ABS CBN. So ayun po congrats Jane! You nailed it.

“Yung mga low IQ and mahina ang reading comprehension at hindi marunong umintindi ng honest opinion, constructive criticism sa bashing and hating lang, please mag aral kayo mabuti. Sayang ang tuition fee CHAROT.

“PS. Again my sawsaw is not to bash people and not to sugarcoat. I want to give my honest opinion and to #SawsawWithAHeart so bare with me,” litanya ni RR.

Dagdag pa niya, “Thank you also everyone for all the positive comments that I get as a Sawsawerra Queen. In a world full of hating, bashing, pretentious people, fake it till you make it society let’s be the #SawSaweRRaWithAHeart I thank you.”

https://bandera.inquirer.net/316577/darna-mural-alay-sa-mga-tunay-na-pinoy-superhero-jane-joshua-janella-saludo-sa-mga-bagong-bayani
https://bandera.inquirer.net/321157/jane-de-leon-umamin-sa-totoo-lang-po-hindi-ko-rin-alam-kung-bakit-ako-ang-napiling-darna
https://bandera.inquirer.net/319979/paano-nga-ba-nag-umpisa-ang-pagiging-sawsawera-ni-rr-enriquez

Read more...