Raymond Bagatsing tumodo na rin sa paghuhubad at sex scenes; Eva Mendez hindi nag-plaster sa ‘The Escort Wife’

Janelle Tee, Raymond Bagatsing at Eva Mendez

SUMABAK na rin sa bardagulang sex scenes ang award-winning veteran actor na si Raymond Bagatsing.

Tumodo sa paghuhubad at pakikipag-love scene ang aktor sa upcoming Vivamax movie na “The Escort Wife” kung saan game na game siyang nakipagchurvahan sa mga palabang sexy stars na sina Janelle Tee at Ava Mendez.

In fairness, kahit 50 plus na ang edad ni Raymond kering-keri pa rin niya ang makipagsabayan sa mga batang Vivamax male stars pagdating sa paghuhubad.

Sa naganap na virtual mediacon ng “The Escort Wife” kamakalawa, nag-explain si Raymond sa press kung bakit niya tinanggap ang “The Escort Wife” at kung paano siya napapayag na gawin ang kanyang mga intimate scenes.

“I think it was never a choice for me to bumalik sa, quote unquote, sexy scenes. I think it was just part of being an actor.


“Those scenes are part of a movie that was offered to me, that I liked the script, so it happened na may mga love scene, sex scene.

“I don’t really just see it as a sexy movie. I think it’s a masterpiece, written by Yam Laranas and directed by Paul Basinillo, and I believe well-acted by everyone in the cast,” pahayag ng aktor.

Sa tanong naman kung ano ang wildest adventure niya sa showbiz, ang pagpapakita ng katawan sa harap ng kamera ang sagot niya dahil hindi raw talaga ito madali para sa isang artista.

“I suppose yung mga baring scene sa mga love scene, yun ang wildest. It’s not easy to do kasi to bare, to be naked in front of the camera, siyempre, the crew, the director, and your co-actors.

“It takes a lot of focus, concentration na hindi siya makaapekto sa eksena, sa karakter mo. It’s very uncomfortable na mag-plaster tapos pareho kayong nakahubad,” chika ni Raymond.

Sa puntong ito, biglang sumingit ang leading lady niyang si Ava at ikinuwento ang isang sex scene nila ni Raymond sa “The Escort Wife.”

“Oh my God! May naalaala ako, Kuya Mond. Although sa lahat ng mga sexy scene ko dati, hindi talaga ako nagpa-plaster.

“Kapag hindi ko kilala yung guy, parang naiilang ako, nagpa-plaster ako. Pero siyempre kay Kuya Mond, hindi ako nag-plaster,” ang tawa nang tawang kuwento ni Ava.

Dagdag pa niya, “Pinasabi ko kay Direk Paul. Sabi ko, ‘Direk, baka mailang sa akin si Kuya Mond. Baka mamaya bigla akong sakalin kasi hindi ako naka-plaster.’

“Una, na-intimidate ako. Parang medyo nailang ako kasi ang tahimik ni Kuya Mond, hindi nagsasalita.

“Nu’ng natapos na yung scene namin, sabi ko okay naman pala si Kuya Mond. Kailangan pala i-approach mo siya. Akala ko masungit siya. Pero nu’ng kinausap ko, okay naman pala,” sey pa ng dalaga.

Mapapanood na sa Vivamax ang “The Escort Wife” simula sa Sept. 16.

https://bandera.inquirer.net/297261/jay-manalo-ayaw-nang-tumodo-sa-paghuhubad-ibibigay-na-ang-trono-kay-sean-de-guzman
https://bandera.inquirer.net/316055/raymond-inalala-ang-pambu-bully-ng-kapwa-celebrity-takot-pumasok-sa-dressing-room-sasabihin-nila-yan-yung-bakla-di-ba
https://bandera.inquirer.net/315954/angeli-khang-hinding-hindi-makakalimutan-ang-rape-scene-nila-ni-markki-stroem-sa-virgin-forest

Read more...