Maris Racal gustong ipag-produce ng pelikula ni KSMBPI chairman Michael Aragon; magbibigay din ng libreng training sa vloggers

Michael Aragon at Maris Racal

BONGGA ang mga nakalinyang plano at makabuluhang proyekto ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Incorporated (KSMBPI) sa pangunguna ng founding chairman nitong si Dr. Michael Aragon.

Isa na nga rito ang balak nilang pagsasanib-pwersa ng traditional reporters at practitioners ng traditional media sa TV at radyo at ng mga vlogger.

Nakausap namin kasama ang ilan pang entertainment writers si Dr. Aragon kamakailan at ibinahagi nga niya ang mga proyekto ng KSMBPI na may mahigit 1,000 nang miyembro, kabilang na ang mga broadcaster at social media personalities.

Sabi ni Dr. Michael, “Aside from the merging or converging platforms ng communication, gusto rin naming i-merge ‘yung traditional reporters, practitioners of traditional media sa TV at radyo, at saka isama sila roon sa mga blogger. Mga TikTokers, ‘yung mga streamer basically. Ang tawag namin sa kanila ay mga community broadcasters.


“We would like to encourage them by training them the basic skills of how to report news since what they’re doing basically sa blogs nila is really communicating,” lahad pa ni Dr. Aragon na isa ring movie producer at filmmaker.

Aniya pa, target nilang magkaroon ng 1 to 2 million members all over the Philippines na ite-train nila nang libre sa basic journalism at mass communication.

“We would like to train aspiring community bloggers, broadcasters na walang formal university sa mas communication for free. After that, we will give them diploma and certifications,” sabi pa niya.

Nilinaw pa ni Dr. Aragon na ang KSMBPI ay isang non-profit organization na nagsimula noong 2017 at nahahati sa dalawang division – ang Broadcast/Print and Film.

May nagawa na ring indie movie ang KSMBPI, ang “Umbra” na naipalabas na internationally at nanalo na rin ng awards. Balak nilang ipalabas ito sa mga sinehan very soon para mapanood din ng mga Pinoy.

“Napakasuwerte namin because last month, one of the films ng KSMBPI na ipinrodyus, naging participant sa international filmfests and we won,” ani Doc.

Wagi ang “Umbra” ng Best Director para kay Jeremy Palma, sa dalawang international filmfests sa India, ang Venus International Film Festival 2022 at sa Roshani International Film Festival 2022.

Sa tanong namin kung sinu-sino sa mga sikat na artista ngayon ang nais niyang ipag-produce ng pelikula, isang pangalan lang ang binanggit niya, ang Kapamilya young actress-singer at girlfriend ni Rico Blanco na si Maris Racal.

Sabi ni Doc, bukod sa maganda at talentado, may pagkamisteryosa rin daw kasi ang dalaga at parang lahat ng role o karakter ay kaya nitong gawin.

Anyway, sa mga interesadong maging miyembro o malaman ang iba pang detalye tungkol sa KSMBPI, maaari kayong magpunta sa website na www.socmedbroadcasters.org.

https://bandera.inquirer.net/293363/bea-ayaw-munang-makatambal-si-dominic-sa-kahit-anong-proyekto-parang-mas-magwu-work-kami-ng-ganito
https://bandera.inquirer.net/318746/enrique-gil-magbabalik-na-sa-showbiz-matapos-ang-2-taon
https://bandera.inquirer.net/299007/robin-super-proud-kay-kylie-nakagawa-ako-ng-action-star-na-hindi-fake-totoong-nanggugulpi-at-tumatambling

Read more...