NATANGGAP na ang isa sa mga sinasabing kauna-unahang licensed female architect ng Pilipinas ang kanyang P100,000 centenarian cash incentive.
Ipinagdiwang ni Lola Aida Cruz-Del Rosario na taga-Muntinlupa City ang kanyang ika-100 kaarawan last Thursday, August 11, kaya naman iginawad agad sa kanya ang nasabing cash incentive.
Mismong si Mayor Ruffy Biazon ng Muntinlupa City, sa pamamagitan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ang nag-abot kay Lola Aida ng P100,000 na siya ring first ever centenarian sa ilalim ng panunungkulan ng alkalde.
Ang pagbibigay ng cash incentive sa 100 anyos na lola ay bilang pagsunod sa batas sa ilalim ng Republic Act 10868 o mas kilalang Centenarians Act of 2016.
Dito, inaatasan ang mga local government units na bigyan ng P100,000 cash incentive ang mga Filipinong nasa edad 100 pataas bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansa.
Bukod sa pagiging isa sa kauna-unahang registered female architect ng bansa ay siya rin ang first female Architecture graduate ng University of Sto. Tomas.”
Isinilang si Lola Aida noong August 11, 1922 at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Ayala sa Alabang. Balitang nag-Top 7 din si Lola sa licensure exam nang sumunod na taon.
Napangasawa niya ang yumaong engineer na si Jose Del Rosario, na naging na-tandem niya sa pagtatayo ng mahigit 120 structures sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
https://bandera.inquirer.net/285623/coco-tuloy-na-nga-ba-ang-pagtakbong-senador-sa-halalan-2022
https://bandera.inquirer.net/291142/aljur-pinasok-ang-online-selling-vice-may-banat-sa-mga-bastos
https://bandera.inquirer.net/286029/p100k-iuuwi-ng-mister-gay-world-ph