Kylie sa chikang idedemanda sina Aljur at AJ: Stop dragging my name into this, priority ko ang mga anak ko ngayon!

Aljur Abrenica at Kylie Padilla

EMOSYONAL ang Kapuso actress at celebrity mom na si Kylie Padilla ngayong malapit nang magtapos ang kanyang primetime teleserye na “Bolera.”

Inamin ni Kylie na talagang inatake siya ng sepanx o separation anxiety noong natapos na ang lock-in shooting ng kanilang programa dahil pamilya na ang turingan nila ng buong production.

Huling linggo na next week ng “Bolera” at feeling blessed and thankful ang aktres dahil napakainit ng pagtanggap ng manonood sa kanyang comeback project.

“Salamat po sa lahat ng nanonood sa ‘Bolera’. Three years din akong napahinga sa pag-arte and this turned out to be the perfect comeback vehicle for me.

“The viewers just loved my character, si Joni, at ako naman, I really prepared for her, lalo na ‘yung scenes na nakikipag-compete siya in the game of billiards,” aniya pa.

Pagkatapos ng “Bolera”, ano na ang aasahan ng kanyang supporters na susunod niyang proyekto lalo pa’t super successful ang magtatapos niyang teleserye.

“Yes, naiiba kasi siyang vehicle. About sports, na babae ang bida. There are some projects now being considered, but as of now, huwag kayong bibitaw sa nalalabing huling episodes ng ‘Bolera’ dahil maraming mga pasabog na mangyayari.

“Higit sa lahat, masasagot ang tanong ng maraming viewers. Kanino ba mapupunta si Joni sa ending: kay Rayver as Miguel or kay Jak as the patient and ever supportive Toypits? I promise you that it will be an exciting last few episodes, so don’t miss them,” sabi pa niya.


Samantala, nilinaw din ni Kylie ang mga tsismis na pinaplano niyang kasuhan ng “concubinage” ang ex-husband niyang si Aljur Abrenica dahil sa chikang nabuntis umano nito si AJ Raval. Dinenay na ni AJ ang tsismis at sinabing hindi totoong pregnant siya.

“There is no issue at all about this. We’ve mutually agreed noon pa that we can date other people, so stop dragging my name into this.

“My priority now is our two sons and I’m just happy and thankful na nakabalik ako sa aking acting career,” paniniguro pa ni Kylie Padilla.

https://bandera.inquirer.net/312385/kylie-padilla-inatake-ng-matinding-sepanx-matapos-magpaalam-sa-lock-in-taping-ng-bolera-i-was-heartbroken

https://bandera.inquirer.net/314301/jaclyn-jose-puring-puri-si-kylie-padilla-shes-not-suplada-sobrang-ang-sarap-niyang-maging-anak
https://bandera.inquirer.net/310855/rayver-cruz-bibili-na-ng-luxury-car-aamin-na-nga-ba-sa-relasyon-nila-ni-julie-anne-san-jose

Read more...