Joseph Marco umaming maraming isinakripisyo para sa dyowang Russian: For me LDR really works

Darja Romanova at Joseph Marco

NAPAKARAMING adjustments at sakripisyo ang kailangang gawin ng Kapamilya actor na si Joseph Marco para mapanatiling solid ang long distance relationship (LDR) nila ng kanyang Russian girlfriend na si Darja Romanova.

Aminado ang hunk actor at dating “Ang Probinsyano” star na hindi madali ang pagkakaroon ng dyowang foreigner at lalo na kung LDR pa ang set-up ng relasyon.

“Kasi na-realize ko especially ngayon na ang tao ay iba-iba talaga. So if you really love someone it takes so much sacrifices at adjustment talaga.

“At the end of the day, you just have to think that you are lucky that you are with her,” pahayag ni Joseph sa Inside News ng Star Magic.


Punto pa ng aktor, “Kasi feeling ko lahat naman ng tao darating sa punto na makikitaan tayo ng pagkukulang.

“But despite sa kakulangan mo tatanggapin mo siya dahil mahal mo ang tao. You just have focus and see the good things na mayroon siya,” dagdag pa niya.

Taong 2020 nang ibandera ng Kapamilya star sa madlang pipol ang relasyon nilani Darja na isang professional model. At in fairness, mas naging solid pa raw ang relationship nila.

So far, so good naman daw ang kanilang long-distance relationship, “For me it works kasi naniniwala ako sa space, ‘yung time mo sa sarili mo it’s very important.

“Kasi kung palagi kayong nagkikita, magkasama, malapit lang ‘yung access with each other parang mas may tendency na mapagod kayo, magsawa kayo, na mag-away kayo. But when there’s space mas nakikita yung worth ng isang tao.

“Kasi kapag nalalayo siya sa iyo ay nakikita mo ang kakulanganng presence niya na sobra pa lang importante sa buhay mo. So that’s why for me LDR really works,” sey pa ng binata.

https://bandera.inquirer.net/316916/joseph-marco-hinding-hindi-makakalimutan-si-sharon-cuneta-i-will-carry-this-beautiful-experience-for-the-rest-of-my-life
https://bandera.inquirer.net/294860/joseph-marco-hubot-hubad-sa-33rd-b-day-2-music-video-ni-jayda-pasok-sa-intl-film-festival-manhattan-2021
https://bandera.inquirer.net/281910/bela-masaya-sa-pakikipag-ldr-sa-non-showbiz-dyowa-kanya-kanya-naman-ng-trip-yan

Read more...