Team Payaman inilabas ang unreleased song ni Emman Nimedez, fans napaiyak

Team Payaman inilabas ang unreleased song ni Emman Nimedez bilang paggunita sa kanyang 2nd Death Anniversary
DALAWANG taon na rin ang nakalilipas buhat nang sumakabilang buhay ang actor, singer, at vlogger na si Emman Nimedez.

Nitong Agosto 16, Martes, nagsama-sama ang buong miyembro ng Team Payaman para ibahagi ang unreleased song ng namayapang kaibigan.

Ito ay in-upload sa YouTube channel ni Emman na pinagruling-tulungan buuin ng kanyang mga naiwang kaibigan na sina Awi Columna, Kiyo, at Alysson Shore at ang music video naman ay nabuo sa direksyon ni Titus Cee.

“Pwede ba na ibalik muna sa simula? Marami na kasing nag-iba. Pwede ba iba na’ng maunang mag-umpisa? ‘Di pa kasi ako handa,” bahagi ng kanta na mismong ang namayapang vlogger ang kumanta.

Makikita rin sa naturang music video ang ama ni Emman na si Daddy Louie na soyant nagda-drive ng jeep kung saan sakay sakay niya sina Cong, Junnie Boy, Rogerraker, Boss Keng, Yow, at ang iba pang mga miyembro ng Team Payaman.

Kasama rin ang ex-girlfriend nitong si Peachy Santos.

Hindi naman mapigilan ng mga taga-suporta ni Emman at ng buong Team Payaman na maiyak at malungkot habang inaalala ang binata.

“Sabi ko hindi ako iiyak pero here I am wiping my tears! We miss you so much boss emman! Kudos sa lahat ng bumuo ng kanta as well as the MV! Y’all did it well,” saad ng isang tagasuporta.

Comment naman ng isa, “Imagine kung gaano kasakit para sa kanila tong MV ba to habang ginagawa nila. Haay nakakamidd mga kanta mo kuya Emman, sobrang solid.”

Ang kantang “Simula” ay patungkol sa isang tao na labis ang nararamdamang kalungkutan at hinihilong na sana ay makabalik siya sa umpisa.

Pag-amin ng isa sa mga miyembro ng Team Payaman na si Awi sa kanyang panayam sa Viy Line Media Group, 2020 pa raw nang ibigay sa kanya ni Daddy Louie ang voice recording ni Emman habang kinakanta ang ilang parte ng sinulat na kanta.

Tinawagan raw niya agad ang mga kaibigan ng “Pambansang Oppa” upang pagtulungang tapusin ang sinimulang kanya ng namayapang vlogger.

“Talagang iningatan namin yung mga lyrics na ilalagay namin. Inisip din namin kung okay ba ‘to, gusto ba to ni Emman talaga,” lahad ni Awi.

Aniya, alam niyang sobrang espesyal ng kantang ito para sa kaibigan dahil ito ang huling kantang ginawa nito nago tuluyang bawian ng buhay.

Matatandaang Agosto 2020 nang mapabalitang binawian na ng buhay si Emman habang nakikipaglaban ito sa kanyang sakit na leukemia.

Related Chika:

YouTube sensation na si Emman, nasa ICU

YouTube star Emman Nimedez pumanaw na matapos makipaglaban sa leukemia

Read more...