Miles Ocampo umiiyak na nagmakaawa sa ‘Eat Bulaga’ matapos matsugi: Sana bigyan n’yo pa ako ng chance na makabalik

Miles Ocampo, Tito, Vic & Joey at Maja Salvador

UMIIYAK na nagmakaawa ang dating Kapamilya young actress na si Miles Ocampo na sana’y mabigyan uli siya ng chance na makabalik sa “Eat Bulaga.”

Ito’y matapos nga siyang matsugi sa longest noontime show sa bansa bilang host nitong nagdaang Sabado (August 13), nang matalo sa segment na “Bida Ex”.

Ito ang parody ng “Bida Next” contest ng “Eat Bulaga” kung saan sumasabak sa isang bardagulang audition ang mga aspiring hosts ng programa.

At last weekend nga ay natalo si Miles nang maglaban-laban sila nina Allan K at Maja Salvador sa stage ng “EB” base na rin sa naging desisyon ng iconic comedy trio na sina Tito, Vic & Joey na nagsilbing mga hurado sa contest.

Kaya naman umuwing luhaan ang dalaga na may pa-walkout pang drama bitbit ang kanyang maleta at microphone sabay sakay ng jeep sa Marcos Highway pauwi sa kanila.

At nito ngang nagdaang Lunes, nagmakaawa ang aktres na sana’y bigyan uli siya ng isa pang pagkakataon na makabalik sa programa.

Sa pamamagitan ng video call, kinausap ng mga Dabarkads si Miles tungkol sa pagkakatanggal niya bilang host ng noontime show. Iipinakita pa ni Maja na umiiyak na ang dalaga habang kachika sila.

Sabi ni Miles, “Sorry hindi kasi ako sanay na ano parang naging routine ko na kasi na kapag ganitong oras nandiyan na rin ako.”


Aniya pa, “Guys baka may chance pa kasi ano e, mapagmahal naman ako ‘di ba? Sana bigyan n’yo ako ng chance na makabalik.

“Please I’m begging you guys make me come back parang kulang kayo diyan,” ang pagmamakaawa pa niya sa mga kasamahang hosts.

Nagsimulang maging bahagi ng “Eat Bulaga” si Miles last March at ang tanong ng bayan, makabalik pa kaya siya sa programa?

Well, kung ako ang tatanungin, dapat give her another chance dahil sa loob halos anim na buwan niya sa show, kahit paano’y napatunayan niyang she has what it takes to be part of the Dabarkads.

https://bandera.inquirer.net/294133/miles-michelle-gaganap-na-magdyowa-sa-love-story-ng-2-flight-attendant-vlogger

https://bandera.inquirer.net/302045/miles-ocampo-elijah-canlas-magdyowa-na-nagkadebelopan-dahil-sa-tuksuhan
https://bandera.inquirer.net/313830/elijah-canlas-kay-miles-ocampo-my-favorite-person-in-the-world

Read more...