Black & white photo ni Ice Seguerra viral na: Kalma lang kayo guys, ako lang ‘to…at buhay na buhay pa ako

Ice Seguerra

HUMIHINGA at buhay na buhay pa rin ang OPM icon at aktor na si Ice Seguerra.

Yan ang siniguro ng award-winning singer-songwriter sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at mga supporters matapos mag-viral sa social media ang kanyang black and white photo.

Ang nasabing litrato ay ipinost ni Ice sa kanyang Instagram account nitong nagdaang August 11, at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Karamihan nga sa mga nag-react at nagkomento sa kanyang black and white picture ay inakalang may nangyaring masama sa kanya.

Kaya naman nag-post uli si Ice ng kanyang photo sa IG na may caption na, “Kalma lang kayo guys. Ako lang ‘to. At buhay pa ako.”

Sa isa namang Facebook post ng asawa ni Liza Dino last August 12, muli nitong ipinost ang kanyang black and white photo kalakip ang screenshots ng mga comments ng netizens.

Sabi ni Ice, “Ang hirap pala mag post ng black and white photo sa IG. May phobia na mga tao.”


Nakasanayan na kasi sa social media ang pagpo-post ng black and white photo bukod sa kandilang may sindi, kapag may mga taong pumapanaw.

Narito ang ilan sa mga mensaheng natanggap ng singer mula sa kanyang socmed followers.

“Vaklaaah…wag black and white nyeeymes nman. Eeey. Huh! Wag ganyan.”

“Kinabahan ako sayo Aiza. Takot nako sa mga Black Photo.”

“Sheeett tumalon ng slight ung puso ko .. naiinis nako sa mga ganitong kulay ng pictures ng mga artista tlga.”

Nakakabigla. Akala ko na ano na. Haist!?”

“Jusko ka Ice,un naka idlip ako tpos pg gising ko sbay dampot sa fone at check ng IG,pgbungad s akin itong pic mo,Maigaddddd akala ko kinuha kn ng mga Alien!!! buset.”

“Langya. Paiyak nko eh haha! sabi ko tuloy “Nyehehe.”

“Bat ganyan ang photo. Muntik na ako mapaiyak eh. Juskooo bigla ako napadasal anu nangyare?”

“One cup lang kape ko pero lakas ng kabog ng dibdib ko! Chair, walang ganyanan. Kayo nila Com. Perci pa din isip kong malakas influence sa kabataan. Pero dapat nakaka-inhale exhale pa.”

https://bandera.inquirer.net/316475/pangarap-ni-ice-seguerra-na-makapagdirek-natupad-na-sa-totoo-lang-akala-ko-hindi-na-magkakatotoo
https://bandera.inquirer.net/316897/mommy-caring-todo-iyak-nang-malaman-ang-pinagdaanang-depresyon-at-axiety-ni-ice-seguerra
https://bandera.inquirer.net/302978/beatrice-pia-white-nabaon-nga-ba-sa-utang-dahil-sa-bisyo-ng-asawang-si-terrence-romeo

Read more...