MATAPANG na sinagot ng Kapuso comedienne at beauty queen na si Herlene Budol ang ilang kontrobersyal na isyu sa pinakabagong vlog ng news anchor na Karen Davila.
Ilan nga sa mga ito ay may konek sa mga panukalang-batas tungkol sa divorce, sam sex marriage, abortion at iba pa.
Isa sa mga unang sinagot ni Herlene na kilala rin sa tawag na “Hipon Girl,” ay ang controversial statement ng Viva Artists Agency talent na si Ella Cruz abour history and tsismis.
Hindi raw sang-ayon dito si Herlene, “No. Para sa akin po kasi, napaka-simple lang po, ‘wag na po nating daanin sa kung ano-anong explanation. Ang historian po is katotohanan, ang Marites hindi totoo.
“Para sa akin ang mga historian ay teacher na nagtuturo ng kasaysayan,” aniya pa.
Tungkol naman sa legalisasyon ng divorce sa Pilipinas, kontra rin si Herlene dito dahil naniniwala siya na ang palaging pag-aaway at hindi pagkakasundo ng mga magulang ay maaaring magresulta ng trauma sa mga anak.
“Sang-ayon po ako dahil hiwalay po ‘yung parents ko. Simula noong bata pa lang po ako, naranasan ko na nakita ko ‘yung mga magulang ko na nagsasakitan, nag-aaway every day.
“May epekto po pala sa bata. Para sa akin mas naging okay sila noong wala sila,” paliwanag ng komedyana.
Kontrang-kontra naman ang dalaga sa abortion, “Para sa akin lang po ah, wala pong mao-offend, ano po. Kasi blessings po eh, blessings po ang pagkakaroon ng isang anak. At siyempre ang ina ang greatest gift of all.”
Pagdating naman sa isyu ng same-sex marriage, “Kung wala naman po silang ginagawang masama ay okay para sa akin. Ibigay po natin ‘yung karapatan kung saan po sila liligaya.
“Ituring po natin sila na normal na namumuhay sa mundo, parang babae at lalaki,” mariin pang sabi ng Kapuso star.
Hindi man nakapag-uwi ng major title at korona sa Binibining Pilipinas 2022 si Herlene na itinanghal ngang first runner-up, inaasahan na ang paglaban niya sa international pageant.
Ayon sa talent manager niyang si Wilbert Tolentino, nakahanap na siya ng international beauty contest na pwedeng rampahan ni Herlene.
https://bandera.inquirer.net/287831/heaven-payag-bang-makatrabaho-ang-ex-dyowang-si-jimuel-pacquiao
https://bandera.inquirer.net/298255/kilala-nyo-naman-si-paolo-strong-talaga-yun-madali-siyang-maka-recover
https://bandera.inquirer.net/282779/bimby-payag-na-mag-asawa-si-kris-sa-tatlong-kondisyon