Tatay may utang sa anak, gustong singilin

DEAR Atty.:

Hello po, attorney. Si LJ po ito ng Escalante, Negros Occidental, 24 years old na po ako. May gusto lang po akong malaman. May ama ako at buhay pa siya, pero may pamilya na po siyang iba sa labas ng bansa. Almost 17 years na po nang maputol ang ugnayan sa amin. This past year lang po ay nakita namin ang aming ama through Facebook of his eldest sister. Legal pong mag-asawa ang aming ama at ina. Galit na galit din po ako sa kanya kasi iniwan niya na lang kami. Dahil sa kanya ay nagkandaletse-letse ang buhay namin. May habol pa po ba kami sa kanya? – LJ, Escalante, Negros Occidental

Dear LJ:
Sana ay naikwento ninyo sa amin kung ang iyong mga kapatid ay pawang mga bata pa o menor de edad pa. Kung meron man sa kanila na menor de edad, narito ang maaaring gawin. Sabagay, maaari rin naman itong gawin ninyong magkakapatid kahit nasa legal age na kayo.

Lahat ng demanda/petition ay merong ‘subpoena’. Ito po ay patawag ng korte upang magkaroon ng ‘authority’ ang korte sa pagkatao ng isang idinedemanda. Dalawa ang paraan ng ‘subpoena’. Una, personal service. Pangalawa, subpoena by publication.

Una, sa personal service ng ‘subpoena’, ang sheriff ng korte ay maghahatid ng subpoena at kopya ng demanda sa taong idinedemanda. Ang sheriff ay mag-su-submit ng “Sheriff’s Return”, o patunay na naihatid sa tamang tao ang ‘subpoena’ at demanda.

Pangalawa, ang subpoena by publication ay ginagawa kung ang idinedemanda ay nawawala, o hindi alam ang address o di kaya ay kung nasa labas ng bansa. Ang kopya ng demanda ay kailangan ipa-publish sa dyaryo na national ang circulation gaya ng Inquirer Bandera.

Ang naghain ng petition ang nagbabayad sa “cost of publication” o mga bayarin sa dyaryo. Ang publisher ng dyaryo ay magbibigay ng “Affidavit of Publication”. Ito at ang kopya ng dyaryo kung saan po nagkaroon ng subpoena by publication, ay ibibigay sa clerk of court ng judge, bilang patunay sa pagsunod sang-ayon sa “Order” ng judge.

Magsampa ng Petition for Support and Support Pendente Lite sa regional trial court kung saan kayo nakatira. Mag-apply kayo ng subpoena by publication. At, maghain ng ebidensya tulad ng marriage contract ng inyong ama at ina, birth certificate ninyo at inyong mga kapatid, at ikwento sa judge sa pamamagitan ng judicial affidavit na 17 years na hindi nagbibigay ng “financial support” ang inyong ama. Isalaysay sa judge ang masamang naidulot nito sa inyong magkakapatid, gaya nang sinabi ninyong nagkandaletse-letse ang buhay ninyo. Ang tawag dito ay “back support”.

Kung alam ninyo ang property ng inyong ama, ipagbigay alam lang ito sa sheriff, at ang sheriff na ang bahala upang ma-auction ang property ng inyong ama, bilang kabayaran sa kanyang mga “pagkakautang” sa inyo.
Sa mga anak na hindi na menor de edad, gaya nang sinabi natin, maaari pa rin subukan na sumali sa ganitong petition at mangatwiran po sa Judge. – Atty.

Editor: May komento o reaksyon sa artikulong ito? O may nais ba kayong isangguni kay Atty. na nangangailangan ng opinyong legal? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa sa 09999858606.

Read more...