BATIKOS ang inabot ng famous vlogger na si Donnalyn Bartolome mula sa ilang netizens when she decided to have street party as a theme sa kanyang recent birthday celebration.
Posting a series of photos sa kanyang official Facebook account, ito ang caption at paliwanag ni Donnalyn: “THANK YOU FOR MAKING US #1 TRENDING ON ITS FIRST DAY!!
“Pinakasimple pero pinakamasayang birthday ko.
“My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable…
“Pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi. Kaya nung umalis ako sa amin to work here sa Pinas, hindi ko inaasahan, kahit mahirap, isa siya sa adventure ko sa buhay na hindi ko makakalimutan.
“So I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang wala pa ako…
“Pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas butas ang shorts…at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin. Ngayon.. mas dumami pa ang nagmamahal sa akin kahit ganito mga trip ko.
“Kayo na mag caption each photo HAHAHAHAHA!!!”
Among those who attended Donnalyn’s birthday party were Ella Cruz, Julian Trono, Andre Paras, Richard Juan, Mikee Quintos and Paul Salas.
Sa isang Facebook account, binatikos ang party theme ni Donnalyn.
“Donnalyn, Kelan pa naging birthday theme ang kahirapan? Poverty forda content? Iba yung simpleng celebration because yun lang yung kaya ng iba nating kababayan dahil salat sa pera panggastos compare sa may kakayahan pero gagawing content. Reeks of privelege and stupidity all at once.”
‘Yan ang nakasaad sa Beki Chronicles Facebook account.
To the rescue naman ang fans ni Donalyn.
“Gusto lang naman nila ma experience ung street party. I think theres nothing wrong sa celebration ng bday ni Donnalyn.”
“The theme was STREET PARTY not POVERTY. And no one is being mocked.”
“Korek! They are just having a great time.”
https://bandera.inquirer.net/310884/donnalyn-bartolome-may-pakiusap-sa-netizens-para-kay-zeinab-harake-be-kind
https://bandera.inquirer.net/296868/donnalyn-gumawa-ng-filipino-version-ng-squid-game
https://bandera.inquirer.net/317344/donnalyn-nilinaw-na-hindi-kinasuhan-si-jose-hallorina-paano-mo-ko-ako-matatalo-sa-korte