Jessy ibinandera ang baby bump at sonogram ni ‘Little Peanut’; super sexy pa rin kahit buntis na

Jessy Mendiola at Luis Manzano

PROUD na proud na ibinandera ni Jessy Mendiola ang kanyang baby bump sa kanyang social media followers na umani ng mga positibong comments mula sa netizens.

Isang araw makalipas ibalita ng mag-asawang Jessy at Luis Manzano na magiging mommy at daddy na sila, ibinahagi naman nila ang sonogram ng kanilang magiging panganay.

Sa kanyang Instagram, unang nag-post si Jessy ng ilang litrato na kuha sa kanyang maternity shoot kasama si Luis.

Kinunan ito sa isang lugar sa Baguio kung saan sila nagbakasyon nang ilang araw. Nakasuot si Jessy ng simple but classy and dreamy white dress habang naka-blue suit and pants naman ang kanyang hubby.


Sa isa pa niyang IG photo makikita ang sonogram ng kanilang magiging anak at ang picture ni Jessy na naka-two-piece habang hawak-hawak ang kanyang maumbok na tummy. In fairness, marami ang nagkomento na ang seksi pa rin ni Jessy kahit buntis na! Kaya naman napa-sana all na lang ang ilan sa kanyang socmed followers.

“Say hello to the world, our little Peanut,” ang maikling caption ng future mom.

Ito naman ang unang mensahe ni Jessy nang nalamang buntis na siya, “What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner.

“No matter what your plans are, HE has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best.

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible,” aniya pa.

“Join us as we enter this new journey in our lives as parents,” dagdag pa ni Jessy.

Sabi naman ni Luis sa kanyang pregnant wifey, “I will choose to love [you]. I promise to be the best husband, partner, best friend, and father I could be. We have been through so much, so many smiles and tears but I will do it all over again if it means leading me back to you.”

Nitong August 11, sa pamamagitan ng isang vlog sa kanyang YouTube channel, in-announce ng celebrity couple ang kanilang pregnancy.

Ikinasal sina Luis at Jessy sa isang intimate garden wedding sa Batangas noong February 21, 2021.

https://bandera.inquirer.net/301898/angeline-ibinandera-ang-baby-bump-from-our-family-to-yours-happy-2022
https://bandera.inquirer.net/299614/jessy-nakiusap-sa-haters-sana-wag-nating-i-crucify-ang-isang-tao-dahil-lang-mali-yung-sinabi-niya

https://bandera.inquirer.net/308449/dimples-romana-buntis-sa-ikatlong-baby-muntik-maibuking-ni-angel-locsin

Read more...