ISA ang award-winning filmmaker na si Chito Roño sa mga Filipinong sumubaybay sa kuwento ni Darna noong magsimula itong lumipad sa mga pahina ng komiks.
Hindi pa raw ito ginagawang pelikula ay super fan na siya ng nag-iisang iconic Pinay superhero na mula sa malikhaing imahinasyon ni Mars Ravelo.
Si Chito Roño ang direktor ngayon ng pinakabagong TV version ng “Darna” na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Jane de Leon kasama sina Iza Calzado, Janella Salvador, Zaijian Jaranilla at Joshua Garcia.
“Talagang fan ako ng Darna kahit nu’ng komiks pa. Lahat kami nagbabasa ng komiks.
“Bago pa isinapelikula ni Vilma (Santos) yung pelikula, nabasa ko na sa komiks. Kami ng lola ko, laging magkatabi nagbabasa ng komiks,” pahayag ng direktor sa grand mediacon ng “Mars Ravelo’s Darna” na ginanap sa Dolphy Theater nitong nagdaang August 8.
Ayon pa kay Direk Chito, matagal na niyang gustong gawin ang “Darna” kaya “yes” agad ang sagot niya nang i-offer sa kanya ang proyekto.
“Anyway, aside from Darna, I read other Ravelo’s plays, yung komiks niya, that’s why when it was offered to me, I got excited like a kid again.
“Sabi ko, ‘Sige na nga, gagawin ko na.’ So, I dared myself to do it, kumbaga, kabataan ko pa pangarap ko na gawin ang Darna,” kuwento ng veteran director.
Aniya pa, “Gusto ko lang sabihin, it took ABS a long time to produce this project series, but because I think they cannot let go, because this is one of the most exciting materials they have.
“I don’t blame them for bearing time and difficulties, but I assure you that you willl be enjoying Darna the series,” dagdag pa niya.
Samantala, tungkol naman sa kanyang mga artista sa “Darna”, “Hindi ko naman sila kilala nu’ng una, e. Like baguhan na artista, parang you guide them intently para hindi sila magkamali nang malaki, and then you let them fit into the roles that they are playing and the characters they are portraying.
“Medyo may ganu’ng factor sa kanila, kahit na kina Jane and Janella, kasi it’s my first time to work with them, we have to design the character for Darna and Valentina, even Ding and Joshua.
“Everybody had to go through the.process of learning how to deal with their characters.
“Very cooperative, wala naman kaming problema. Everybody is… except for Joshua whom I worked in Regal before, everybody was first time sa akin,” paliwanag ni Direk Chito na ang tinutukoy ay ang horror film na “Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan,” na hindi pa naipalalabas sa mga sinehan.
Sabi naman niya tungkol kay Jane, “Jane worked hard for this for her role in this series. Ang problema kay Jane, she had to balance being Narda and being Darna. Talagang mahirap.
“And then, other than Narda, dalawa pang characters, yung bata and yung character na malaki na rin siya. Ang dami talagang roles niya na ginagampanan and it’s really a challenge for her as an actress. She did very well.
“Sabi ko, ‘As bata, kailangan maikli ang buhok mo.’ Siya had no problem, ‘Kailangan paputol ka ng buhok.’ We encounter actresses na di mo mapuputulan.
“I’m also very pleased na not only she focused, not only she concentrated, she does very well as an actress,” sabi pa niya.
Dugtong pa niya, “Ang difference dito sa mga bagong artista, ang character mo bagets, kailangan hindi mahaba ang buhok. For you to look young, you have to have a short hair.
“Walang problema na. Wala ka nang sasagutin kung kanino basta bahala na ang artista. Nagawa niya at nagawa nila yung character for the the role,” aniya pa.
Magsisimula na ang “Darna” bukas, August 15, sa Kapamilya Channel, TV5, at A2Z. Ito ang papalit sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na nagtapos na last Friday.
https://bandera.inquirer.net/294583/chito-roo-napiling-magdirek-ng-darna-ni-jane-tuloy-na-ang-taping-sa-nobyembre
https://bandera.inquirer.net/321076/jane-de-leon-puring-puri-ni-chito-roo-bilang-darna-walang-kaarte-arte-hindi-mareklamo
https://bandera.inquirer.net/298625/chito-roo-super-bilib-kay-janella-mabibigyan-niya-ng-hustisya-si-valentina