Mark Herras, Nicole Donesa ipinatatayo na ang dream house: ‘It’s gonna be a modern house na pang-family…para kay Corky’

Mark Herras, Nicole Donesa at Corky

SA wakas, matutupad na rin ang pagpapatayo ng dream house ng Kapuso actor na si Mark Herras para sa kanyang pamilya.

Ayon kay Mark, itinuturing nga niyang malaking blessing ang pagdating ng bago niyang TV project sa GMA 7 na “Unica Hija” dahil nga nagpapagawa sila ng bahay ng asawang aktres na si Nicole Donesa.

Kuwento ng aktor at celebrity dad, ang ipinapagawa nilang bagong house ay matatagpuan pa rin sa dating kinatatayuan ng bahay niya sa Commonwealth, Quezon City.

Ipina-demolish nila ito para nga sa kanilang dream family house na tnawag nilang “Casa Corky” na obviously ay ipinangalan nila sa panganay na anak na si Mark Fernando or simply Corky na kinuha sa nga sa mga pangalan nila na Nicole at Mark.

“We’re rebuilding the house. Ayon ‘yung bahay ko sa may Commonwealth na, siyempre, sa ‘min na nga ‘yun nila Nicole.

“Basically it’s for Corky, sa anak namin, pero super renovation siya kasi parang dinemolish ‘yung bahay. As in from scratch siya gagawin,” pahayag ni Mark sa panayam ng GMA.

Sey pa ng aktor, “It’s the same size, ‘di ko naman pinalakihan ‘yung bahay. Ginawa lang siyang modern ‘yung design ng bahay, minaximize lang ‘yung space.


“Talagang ginamit lahat ng lupa sa bahay para lang din magmukha siyang malaki, pero it’s the same size doon sa bahay ko before and may mga ilang upgrades lang pero, basically, it’s a different house na kasi talagang dinemolish siya.

“It’s gonna be a modern house na mas pang family, siyempre. May mga dinagdag si Nicole for the house,” pagbabahagi pa niya.

Sey pa ni Mark, hinahayaan na lang daw niya si Nicole sa style at  interior design ng bahay basta ang mahalaga raw sa kanya ay ang “man cave” para sa kanyang video game streaming.

“Actually hindi na ko nangialam basta kailangan ko lang ng man cave sa bahay but the rest–kitchen, dining, whatever, sabi ko kayo na bahala,” sey pa ng celebrity dad.

Nagsimula raw noong March ang construction ng kanilang family home at looking forward na raw silang makita ang kabuuan nito very, very soon.

Ikinasal sina Nicole at Mark noong Sept. 8, 2021 sa isang civil ceremony sa Quezon City at ipinanganak naman si Corky noong January 31, 2021.

https://bandera.inquirer.net/293383/mark-herras-nicole-donesa-nagpakasal-na-legal-na-kaming-mag-asawa

https://bandera.inquirer.net/279554/mark-enjoy-sa-pag-aalaga-kay-baby-corky-graveyard-shift-ako-kaya-nagsisimula-ang-araw-ko-sa-gabi
https://bandera.inquirer.net/304291/mark-awang-awa-kay-baby-corky-nang-magka-covid-umiiyak-ako-kasi-nakita-ko-kung-paano-mahirapan-yung-bata

Read more...